Bato bato sa langit... kailangang may tamaan kahit na magalit.
Ikaw ang may-akdà sa istoryá ng iyong buhay at tanging IKAW (Isang-isa, Katangi-tangi, Angkop, at Wagas) lamang ang may hawak ng panulat ng iyong sariling istorya upang ito ay magkatotoó. Ikaw ang kapitán ng iyong barko, ikaw ang tsuper ng iyong behikulo (ng iyong katawan), at ikaw ang maestro ng iyong tadhanà. Lahat ng mga bagay na nagaganap sa iyong buhay ay IKAW ang pumili at naggawad ng mga kapasiyahan. Kung anuman ang naging kalagayan mo sa ngayon, ikaw ang lumikha nito at wala kang dapat na sisihin. Lahat ng mga ito ay hindi mangyayari kung hindi mo pinahintulután. Kahit papaano, lahat ng tungkol sa iyo ay kasangkot ka, dahil sa hindi mo pagkibo, nagaganap ang mundo mo nang tulog, natutulog, at nagtutulog, tulogan ka.

Kung nais mo ng pagbabago upang makaahon sa iyong kalagayan sa ngayon, simulan na maging malinaw at may katiyakan kung ano ang iyong talagang nais sa buhay, saang direksiyon mo nais na pumunta, at anong mga
mahalagang bagay at mga pagkilos ang kailangan mong isagawa upang ito
ay tahasang maganáp. Ang iyong mga kaisipan, mga pananalita, at mga
aksiyon ay kailangang magkakatugmà at sumusuporta sa iyong tunay na mga
ninanasà.
Ang kaisipang inihanda mo, ang siyang tunay na magdedetermina sa susunod mo pang mga hakbang.
Kumilos na, at ang lahat ay madali na lamang.
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment