Kung may mga katanungan, mayroong mga kasagutan
Magsimula: Pakawalan ang iyong Potensiyal
1-Laruin
sa isipan na mayroon kang likas na abilidad na makamit ang anumang lunggati (goal)
na inihanda sa iyong sarili. Ano ang tahasang nais mo na maging pagkatao,
nais na magkaroon, at nais na mga gagawin?
2-Kilalanin
ang mga aktibidad na nagdudulot sa iyo ng maginhawang pakiramdam tungkol sa
kahulugan at layunin ng buhay. Papaano ka makakagawa ng marami pang
katulad nito?
3-Alamin
ang takbo ng buhay mo sa iyong personal at trabaho ngayon, at kilalanin kung
papaano ang iyong iniisip ay nililikha ang sarili mong daigdig. Ano ang
dapat mong gawin o magagawa mong mabago pa?
4-Italaga
ngayon na anuman ang iyong iniisip at binibigkas ay tungkol lamang sa mga bagay
na kailangan mo sa iyong buhay, at umiwas na isipin o bigkasin ang mga bagay na
hindi mo nais at walang katuturan. Saan at papaano mo ginugugol ang iyong
mga mahahalagang sandali?
5-Tiyakin
na ang sakripisyo na iyong paghihirapan para makamit ang iyong mga lunggati ay
siyang pinakamahalaga para sa iyo, at italaga na handa kang magpunyagi sa abot
ng iyong makakaya, simula sa araw na ito. Nakahanda ka bang magtiis at
gawin ang lahat matupad lamang ang iyong mga pangarap?
6-
Isaguni-guni na ikaw ay lubusan nang may garantiya ng tagumpay na makamit ang
iyong mga lunggati at wala kang kinakatakutang anuman. Anong mga lunggati
ang iyong inihahanda para sa iyong sarili?
7-Maghanda
at itakda ang mga lunggati, masikhay na gawin ito sa araw-araw, at ang matupad
ito ay siyang susi sa maligayang buhay. Anong
pagkilos ang kailangan mong gawin kaagad bilang resulta sa iyong mga kasagutan
sa mga katanungan na nasa itaas?
Makakatiyak ka nang mahaba, malusog, at masaganang buhay habang patuloy kang nagpupunyagi na makamtan ang mga bagay na iyong minimithi sa buhay. Ang may dakilang layunin ay kaakibat ng mga maliliwanag na lunggati. Ito ang nagtutulak sa iyo upang ilabas lahat ang iyong mga nakatagong potensiyal para sa personal at propesyonal na tagumpay. Ang mga lunggati ay nagagawang lagpasan ang anumang humadlang sa iyo para madaling makamit ang iyong mga pangarap.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment