Kung saan ka nakaharap, ito ang iyong pupuntahan.
Patuloy at walang hanggan ang iyong kaganapan.
Ang sansinukob ay laging lumalawak at walang hinto sa paglaki, at
bilang bahagi ng sansinukob, ikaw din ay patuloy sa paglawak at
pagyabong, pagkakaroon ng mga imahinasyon, pagsulpot ng mga bagong sibol
na mga ideya, mga hangarin at mga pangarap. Habang nabubuhay ka, walang
hinto din ang iyong mga oportunidad, upang ang iyong mga potensiyal na
nakakulong sa iyong kaibuturan ay lubusang makawala at magampanan mo
nang mahinusay ang tunay na dahilan kung bakit lumitaw ka sa mundong
ito.
Sino ka nga ba? Ano ba ang mga naisin mo sa buhay? At saan ka ba talagang direksiyon patungo?
Ang problema lamang, mula sa pagkabata ay tinuruan ka na ng iyong mga kinagisnan, mga kapaligiran, edukasyon, at ng mga nakakatanda sa iyo na isantabi ang iyong mga ninanasá at umayón sa kalakalan at nakapangyayari (staus quo) ng lipunan at ng mga inaasahan ng ibang tao tungkol sa iyo.
Ang puwáng sa pagitan kung ano ang talagang nais ng iyong kalooban at pagsunod sa mga kagawian at panuntunan ng iyong kapaligiran ay kung papaano mo ipapamuhay ang iyong buhay ay siyang lumilikha ng mabibigat na pagkaligalig at kapanglawan sa iyong sarili. Ito ang dahilan kung bakit hindi ka maligaya.Tanungin lamang ang sarili sa sandaling ito; Maligaya ka nga ba ngayon?
Kung nais mong ipamuhay
ang iyong buhay nang naaayon sa iyong kagustuhan, nang hindi umaasa at
pinapaakialaman ng ibang tao para mapatunayan mo nang lubos ang iyong
potensiyal na mga katangian, kailangan takasan mo sila at lalo mo pang paghusayin
ang iyong sarili. Maraming tao ang hindi magugustuhan ang iyong mga
ginagawa, lalo na doon sa mga nalagpasan at nahigitan mo sa buhay,
subalit ang mga tao na ito ay hindi ipinamumuhay ang iyong buhay. Hindi
sila ang mapapahamak sakalimang magkamali ka, kundi ikaw, dahil ito ang sarili
mong buhay!
Banal na tungkulin mo ang alamin kung sino, mga naisin at saan ka tahasang pupunta.
No comments:
Post a Comment