Thursday, March 28, 2019
Huwag Mag-akala nang hindi Mabahala
Labels:
Banyuhay
Monday, February 25, 2019
Sapat ba ang Maniwala Lamang?
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
Madalas na naririnig ko ito sa matatanda noon. Kasunod nito ang, "Ipakita mo at maniniwala ako."
Hindi basta ako agad naniniwala, inaalam ko at kailangang maranasan ko. Kahit na ilang libo mo pang sabihin sa akin na ang prutas na natikman mo ay ubod ng sarap, hanggat hindi ko pa ito natitikman, pawang imahinasyon lamang, pantasya at mahika ang aaliw sa akin. Kailanman hindi mo ganap na mauunawaan ang isang bagay hanggat hindi pa ito nagaganap sa iyo.

Narito ang ilan sa mga naganap sa buhay ko at tahasang naranasan ko ang
taglay na kapangyarihan ng mga ito:
1. Sa buhay, kailangan mong malaman ang mga alituntunin,
upang kapag nagkamali ka, magagawa mo itong maitama. Sapagkat madaling lunasan
ang sigalot kapag alam mo ang solusyon.
2. Hindi
tsansa sakalimang bumubuti ang buhay mo, kundi sa araw-araw na mga pagbabago na
ginagawa mo para sa iyong kaunlaran. Ang itak, kaya lamang ito tumatalim ay
kapag hinahasa. Dahil kinakalawang ito kapag laging nasa suksukan. Kung walang
pagbabago, walang asenso.
3. Kapag nagsasayaw ka, ang layunin mo ay hindi ang tumapak at umikot saanmang
sulok ng sahig, kundi ang masayang umindayog at tamasahin ang bawat hakbang sa
saliw ng musika. Ganito ang paglalakbay sa buhay, nasa biyahe ang kaligayahan at hindi sa pupuntahan.
4. Alam ko,
na...
kung babaguhin mo ang pagtingin sa mga bagay, ang mga bagay na
tinititigan mo ay nagbabago. Lalo na kung babaguhin mo ang mga katagang
binibigkas mo, makakatiyak ka na may malaking pagbabago sa iyong buhay.
5.
Kapag hinatulan mo ang iba, hindi sila ang sinusukat mo, kundi ang
inilalantad
mo ay ang uri ng iyong pagkatao. Sapagkat anumang bagay na nasa iyong
isipan ay kusang humuhulagpos at nagpapakilala kung ano ang nasa loob.
6. Gaano man tratuhin ka ng sinuman, ito ay karma para sa kanila; kung papaano naman
ang reaksiyon mo dito, ito ang para sa iyo.
7. Ang pagtatalo, awayan at mga alitan na kasangkot ka ay hindi magaganap at
patuloy na mangyayari kung wala kang partisipasyon.
8. Kapag
nagising ka mula sa pagtulog, hayaan na ang unang mga kataga na iyong bibigkasin
ay "Salamat Po." Sapagkat ito ang magpapaala-ala sa iyo na simulan mo
ang iyong araw nang may pasasalamat at pagmamalasakit.
9. Madalas,
ang pinakamabisang kasagutan sa mainit na ulo ay tumahimik na lamang. At aliwin ang sarili sa isang nakakabinging
katahimikan.
10. Sundin
ang pitong I:
Igalang
ang sarili.
Igalang
ang iba.
Iwasan
ang mga toxic at mga negatibo sa iyong buhay.
Iwasto
ang iyong mga pagkilos.
Isaisip
ang damdamin ng kausap.
Ilaan
ang mga mahahalagang sandali sa mga nagpapaligaya sa iyo.
Labels:
Busilak
SINO Ka nga ba?
Ang paghanga ay nagsisimula kapag natapos na ang mga palabok na papuri at hayagang pagmamaliit sa sarili.
Sa mga umpukan at lalo na sa mga pagtitipon, kapag may nakasalamuha tayong mga bagong kakilala na tumawag sa atin nang pansin, ay nais natin silang makilala. Bakit nga ba hindi, kung mayroon tayong nakikitang mga katangian na ating hinahangaan at nais matularan. Subalit papaano naman, sa paghaharap na ito, ay magagawa mong maipakilala o ang maipaalam kung sino kang talaga.
Ito ang
kadalasang pinangangambahan ng marami, lalo na yaong mga hindi nakahanda at
walang gaano mang maipapakilalang mga katangian o maipagmamalaking gawain.
Urong-sulong at inaapuhap ang mga katagang nais mabigkas nang walang
inaala-alang mga kapintasan. Ang mga
karaniwang naitutugon ay, “Ang aking
pangalan ay . . . “ o dili kaya’y, “Ako’y
isang guro lamang.” “Taga baryo Makitid lamang ako.” At magwawakas sa, “Nagtapos lamang ako sa
isang publikong pamantasan.”
Mapapansin na kalimitan ay may kalakip na kataga ng lamang sa mga ito. At sa madaling pang-unawa; nagpapahayag ito ng kakapusan at umiiral na pagmamaliit sa sariling pagkatao at kakayahan. Nahihiya na makilala ang tunay na pagkatao. Kung ito ang nais na maipakilala, ito rin ang magaganap na pagpapahalaga sa relasyong mamagitan. Kung walang nakikitang paggalang ang iyong kaharap sa iyo mismong sarili, ito rin ang uri ng paggalang ang makukuha mula sa kanya. Ang tanong, Bakit kailangan pang samahan ng lamang? Gayong sapat na ang banggitin ang ilang inpormasyon tungkol sa sarili. Tungkol ba ito sa pagiging mapagkumbaba? Kung ito ang dahilan; ang pagiging guro ba ay kababaan? Kung taga-baryo Makitid ka, isa ba itong kababaan? Ang pagtatapos ba sa publikong pamantasan ay kababaan? Maliban kung ikinakahiya ang mga pagkakakilanlan na ito sa personalidad ng isang tao.
Subalit ang mga ito ay hindi lubusang ipinakikilala kung sino kang talaga, maliban kung mababa ang pagpapakilala mo sa iyong sarili. Hangga’t ikinahihiya ng isang tao ang kanyang kalagayan sa buhay, nababawasan ang kanyang mga pagkakataon sa buhay. Sa dahilan na yaong mga tao na nakahandang tumulong sa kanya ay magsisimulang mag-alinlangan at umiwas na mahawa pa sa kanya.
Sinuman sa atin na nakakatiyak kung gaano ang kanyang mga katangian o maging mga kakayahan ay hindi pa rin lubusang nababatid na ang mga pagpapakilanlan na ito ay hindi resulta ng masidhing pagtuklas sa ating mga sarili, bagkus isang bagay na kusang “nangyari sa atin.” Napakadaling malaman kung papaano ito nangyari. Gaano ba kadalas na umupo tayo at sinimulang isa-isahin ang mga katangiang na sadyang nagpapakilala kung sino tayo? Mga katangian at kakayahan na sadyang maipagmamalaki natin kung sino tayong talaga.
Isang katotohanan na ang ating mga buhay ay masalimoot at lubhang matalinghaga. Sinuman ay hindi mapapasubalian na nabubuhay tayo sa isang lipunan na personal at makasarili; patuloy tayong binubomba araw-araw ng mga komersiyal at mga mensahe tungkol sa mga pahusayan, walang hintong mga tunggalian, at mga kompetisyon. Tinitingala ang mga kampeyon, pinupuri ang mga nanalo, at pinaparangalan ang mga magagaling. At kung hindi tayo kabilang sa mga ito, nagkakaroon tayo ng mga pag-aalinlangan sa ating mga sarili at ikinakahiya ang kawalan natin ng mga kakayahan. Kahit na ang simpleng pagsulat ng ating mga katangian upang mapag-aralan at pahusayin ay isang mahirap na gawain para sa atin.
Tulad sa paggagamot, hangga’t hindi nalalaman ang sanhi ng karamdaman, walang sapat na kagamutan para ito malunasan. Hangga’t hindi mo ganap na nababatid ang mga katangian mong taglay ay wala kang kakayahan na ito’y magamit para paunlarin sa iyong kapakinabangan.

Dalawang konsepto
ang may relasyon dito tungkol sa pagsasaayos upang personal mong makilala ang
iyong sarili.
1-Pagsasaliksik.
Ito ang
relasyon mo sa iyong sarili na magkaroon ng aktibong pagtuklas at panunutunan
tungkol sa iyong mga pananaw at inpormasyong pinaniniwalaan. Habang tayo ay
nakikibaka sa buhay ay patuloy din ang mga bagong karanasan, mga bagong
inter-aksiyon sa ibang tao, at mga bagong emosyon na nagbibigay sa atin ng
pagkakataon upang baguhin o palakasin ang sentrong aspeto ng ating
pagkakakilanlan sa ating mga sarili. Ito ang nakapaghuhudyat kung papalitan
natin ang ating trabaho, mapapangasawa, o hihintuan ang panonood ng walang
kabuluhang palabas sa telebisyon. Nakakatulong din ito na maiwasan ang
panghihina ng loob, paghamak sa sarili, at kawalan ng pag-asa.
2-Pagtatalaga
Ito
ang
relasyong iniuukol mo sa iyong sarili na pagindapatin at pahalagahan ay
iyong
mga katangian at mga kakayahan sa iyong pagkatao. Anumang katangian at
kakayahan na mayroon sa iyo ay
nararapat mong ikarangal at ipagmalaki. Dahil ito ang magdadala sa iyo
para lalo mong paghusayin. Walang sinumang makakagawa nito sa iyo
kundi ikaw mismo. Kung wala kang tahasang pagsasaalang-alang ng
iyong pagkatao, mistula kang ipa na ililipad sa isang bugso ng hangin.
Manindigan! Paunlarin ang iyong sarili at magpakatatag. Simulang
tumayo at panindigan ang mga makabuluhan at patungo sa kaunlaran ng
iyong sarili. Kahit na
bagyo o anumang daluyong, ang matatag na punongkahoy ay hindi magagawang
maibuwal.
Ang pagpapakilala na nagsimula sa tunay na pakikipag-kaibigan ay may katiyakang magtatapos sa matalik na relasyon.
Maaaring kaiba ang iyong personalidad, sino ba sa atin ang hindi, ngunit ang iyong pagkakakilanlan ay siyang susi mo sa tagumpay. Ang iyong pagkatao o karakter ay kalidad ng iyong mga personalidad; ang iyong trabaho, ang iyong samahan, ang iyong kalagayan sa buhay, mga paniniwala, ang iyong pagmamalasakit sa kapwa, at maging ang iyong mga nagagawang pagtulong sa iyong pamayanan--lahat ng mga ito ay kabubuan ng iyong pagkatao kung sino kang talaga. Higit pa ito kaysa pagkakakilala mo sa iyong sarili at sa mga nais mo pang magawa sa hinaharap.
Maging panatag at nakakatiyak sa iyong tunay na personalidad --- sapagkat ito ang lumilikha ng iyong pakikipagrelasyon sa iba. Ito ikaw ngayon, at sa mga darating pang mga araw sa iyong buhay. At kung magagawa mong komportableng masanay, may pagtitiwala at mapayapa ka sa pagdadala mo sa iyong katauhan, sinumang tao na iyong makakaharap; maging hari, presidente ng bansa, may mataas na posisyon o katungkulan sa pamahalaan, at maging karaniwang mamamayan ay wala kang itatago o pangangambahan. Malaya kang ipahayag na banggitin ang iyong pangalan, tirahan, at trabaho nang walang anumang pag-aatubili kundi ang ipagmalaki na ikaw ito at wala ng iba pa.

Ngayon, puwede na ba kitang makilala?
Labels:
Busilak
Hindi pa Huli ang Lahat
Kung may mga katanungan, tiyak na may nakalaan ding mga
kasagutan. Kung nais mong magtagumpay, ikaw ba ay nakahandang gawin ang lahat
upang ito ay maging katotohanan? Palagi mo bang itinataas ang iyong antas at
kahalagahan sa tuwina? Malinaw ba at nakaplano ang iyong mga ginagawa sa
ngayon? Ang mga ito ba ay para sa iyong kaunlaran at magiging maligaya ka kapag
natupad mo?
Pag-aralan at subukang gawin ang mga sumusunod:
1-Kung manggagaya din lamang, pilitin na makisama sa mga tao na nagtataglay ng mga katangiang ito: uliran, eksperto sa kanyang trabaho, magandang halimbawa sa pamayananan, may puso at malasakit sa kapakanan ng mga nangangailangan.

2-Palaaral
at palabasa ng mga inpormasyong tungkol sa kahusayan, kabayanihan, kabuhayan,
at kaunlaran.
3-Matiyaga at masinop sa paggawa, hindi inaaksaya ang panahon sa mga walang katuturan at walang kapakinabangan.
4-Walang takot at mapangahas sa paglikha ng mga paraan sa abot nang makakaya upang matupad ang mga pangarap.
5-Talos at laging tinatandaan na ang pagiging eksperto ay isang proseso, at hindi isang nakabimbing karangalan na naghihintay ng mga papuri at mga palakpak.
6-Kumikilos bilang ekstra-ordinaryo at hindi umaayon sa karaniwan; sa pananamit, sa mga pagkilos, sa mga kagamitan, sa pagdadala sa sarili, sa pananalita, may pansariling pananalig at pagtitiwala na sadyang naiiba sa karamihan.
7-Batid ang kanyang buong pagkatao, kung ano ang kanyang mga nais, at alam kung saan siya patungo.
Kung mayroon ka ng mga ito, hawak mo ang buong daigdig. Ikaw ang higit na may kontrol at pagsupil sa iyong mga kapaligiran. Dahil kung eksperto ka sa iyong larangan, ang tagumpay ay laging nasa iyo. Ang proseso sa paghahayag ng iyong mga katangian at mga kakayahan ay mahalagang mga potensiyal para mapaunlad mo ang ibayong pagtitiwala sa sarili. Malaking bahagi ito ng iyong personalidad na maging mahinahon, masikhay, at may matatag na paninindigan sa lahat ng mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay. Hindi kataka-takang ang kaunlaran at kapanatagan ay laging kakampi mo.

Batid Mo ba ang Iyong mga Kalakasan?

Ang tunay na kalakasan ay hindi nanggagaling mula sa pisikal na pagkilos, kundi mula sa walang pagkatalong katatagan.
Kung aapuhapin mo ang iyong kaibuturan,
may dalawang kalakasan dito ang namamayani. At kapag talos mo ang iyong birtúd o katauhan ay
malaki ang maitutulong nito upang makilala ang pagkakaiba ng dalawang
kalakasang ito. Bagama’t sila ay magkarelasyon; ang pisikal na kalakasan, at
ispiritwal na kalakasan, malaki ang agwat ng kanilang mga tungkuling ginagampanan
sa ating personalidad.
Ang kalakasang
pisikal ay may relasyon sa kalusugan ng iyong katawan at naaayon kung papaano mo
inaaruga ito. Kung kumakain ka ng maling mga pagkain, nagpapakalango sa mga
inuming nakakalasing, gumagamit ng ipinagbabawal na mga droga, malakas manigarilyo,
walang ehersisyo o pagpapawis ng katawan, at madalas na nagpupuyat; sa kalaunan,
ang iyong katawan ay susuko at tuluyang igugupo ng malubhang karamdaman. Kung
ikaw ay mayroong karamdamang pisikal, ang iyong kalakasan ay apektado at walang
sapat na kakayahang makagawa pa. Gaano man ang pagnanais mong makakilos nang
ganap, ang iyong karamdaman ang paparalisa sa iyo.
Ito rin ang nagpapahina sa iyong motibasyon para
magpatuloy pa na tapusin ang anumang gawain na iyong sinimulan. Maging ang
iyong mga pakiramdam at mga saloobin, kasama ng iyong pananaw at mga lunggati
sa buhay ay pawang nalilito at wala na sa direksiyon. At kapag ito ay nagpatuloy,
nawala na ang ispirito na gumagabay sa iyo.
Ang “ispirito” na ito ay ang iyong
pambihirang gabay na nagdudulot ng puwersa sa iyong buhay, ito ang
pakiramdam na nagaganap sa iyo sa tuwing may mataas na kalakasang ispiritwal at
mababa na kalakasang ispiritwal na naghahari sa iyong pagkatao.
Sa
karaniwang araw, ang iyong kalakasang ispiritwal ay maaaring tumaas o
bumababa batay sa iyong ginagawa at mga pagbabago sa antas ng mga pakiramdam at
saloobin mo. Kung ang ginagawa mo ay talagang naiibigan mo at nagpapasaya sa
iyo, matapos ang maghapong paggawa, maaaring pisikal na mapagod ka, ngunit
ispiritwal ka namang lumakas. Sakali namang inubos mo ang maghapon sa paggawa
ng mga bagay na wala namang halaga sa iyo at napipilitan ka lamang dahil
trabaho mo ito, at kailangan mo ang suweldo, makakaramdam ka ng matinding
pisikal na kapaguran. Idagdag pa rito na bumaba ang kalakasang ispiritwal mo at
kailangang lunasan ito sa pagtungga ng inuming may ispirito, at
nakakalasing.
Kapag
mababa ang antas ng iyong ispirito, nawawalan ka ng gana o hilig na
magsikhay pa, na paghusayin ang gawain, at mawalan ng pag-asa. Sanhi din ito na
mabaling ang iyong panahon sa mga walang katuturang libangan, katakawan sa pagkain, tsismisan, at
panandaliang aliwan para lamang takasan ang pamamanglaw na nadarama.
Kung mataas ang iyong kalakasang ispiritwal,
dinudulutan ka nito ng simbuyo o pasiyon
para higit na pasiglahin ang iyong
pakiramdam. Ito ang puno't-dulo sa anumang hangarin na nais mong
makamtan. Narito ang sikreto upang lumakas at pasiglahin ang iyong
pagnanais na matupad ang iyong mga pangarap.
Nararamdaman mo ba ang ispirito na ito sa iyong sarili?
Kung wala pa ito sa iyo, apuhapin mo na ngayon sa iyong kalooban at simulan nang gamitin.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
BATHALA
At Patuloy na Naniniwala pa AKO
Ang kahusayan ay . . .
Higit na pangangalaga
kaysa iniisip ng iba ay tama lang;
Higit na pakikipagsapalaran kaysa iniisip ng iba ay kaligtasan;
Higit na
pangangarap kaysa iniisip ng iba ay karaniwan;
Higit na umaasa
kaysa iniisip ng iba ay puwede na.
Higit na
pagsisikhay kaysa iniisip ng iba na ayos lang.
Naniniwala AKO
Kung nais mong pamunuan ang mga tao, lumakad sa likuran
nila.
Naniniwala AKO
Hindi ang mga iyak
at kaingayan, kundi ang mga paglipad ng mga bibe, at isa ang nanguna sa buong pangkat na
lumipad at sumunod.
Naniniwala AKO
Saan man magtungo ang mga tao, kailangang sundan ko sila,
dahil ako ang kanilang pinuno.
Naniniwala AKO
Ang pamumuno: Isang sining na magagawa mong ipagawa sa iba
ang nais mong tapusin na gawain dahil nais niyang magawa ito.
Naniniwala AKO
Ang tunay na pinuno ay hindi kailangang mamuno, kuntento
na siya na ituro lamang ang tamang daan.
Naniniwala AKO
Ang mga tao ay pinamumunuan lamang ng paglilingkod sa
kanila; ang kautusan ay walang itinatangi.
Naniniwala AKO
Makilala na nakakalugod sa iba, lalo na kung namumuno ka,
ang mamahala sa iba na may kabagsikan ay may isang kalamangan, subalit higit na
mahusay ang kinalulugdan kaysa kinakatakutan.
Naniniwala AKO
Kung magagawa mong mabigyan ng lalong inspirasyon ang
iba, na lalong may malaman pa, na lalong may magagawa pa, at lalong mapahusay ang kanilang
mga kakayahan, ikaw ay isang mahusay na
pinuno.
Naniniwala AKO
Ang ultimong kasukatan ng isang tao ay hindi kung saan siya
nakatindig sa mga sandali ng kapanatagan, bagkus kung saan siya nakatindig sa
panahong ng mga paghamon at kontrobersiya.
Naniniwala AKO
Sinuman ay magagawang hawakan ang manibela kapag panatag
ang karagatan.
(mula sa aklat na Ang maging Mahusay na Pinuno, ni Jesse N. Guevara, 2007)
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Mahusay na Gawain
Ang pinakamataas na gantimpala sa kapaguran ng isang tao ay hindi
ang nakukuha niya mula dito, bagkus kung anong pagkatao ang naganap sa kanya.
Lahat tayo ay bahagi ng paggawa, ito ang
nagbibigay ng pag-asa, pinagkakakitaan, pagtitiwala
at nagpapalakas para sa ating mga katawan. Nasa ating mga pagkilos
nakikilala kung papaano natin binibigyan ng pansin ang ikakatagumpay o
ikakabigo ng mga gawaing ito. Anumang larangan o trabaho na ating ginagawa,
mayroon itong mga paraan para mahusay itong maisagawa.
21 Paraan ng mga Mahusay na Gawain
1- Gawing mahusay ang trabaho sa paghamon sa iyong kakayahan na higitan pa ang nagawa kahapon.
2- Gawing mahusay ang trabaho sa diwa ng pagtutulungan upang mapabilis
ito.
3- Gawing mahusay ang trabaho sa pag-iwas ng mga kadahilanan para
hindi ito matapos.
4- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbuhos ng lahat na iyong makakaya
at panahon.
5- Gawing mahusay ang trabaho sa patuloy ng paggawa nang walang
pagliban.
6- Gawing mahusay ang trabaho sa ikakasiya at ikakatagumpay ng lahat.
7- Gawing mahusay ang trabaho sa paggawa ng mabuting halimbawa para
tularan ito.
8- Gawing mahusay ang trabaho sa pagpapakita ng integridad at
pagmamalasakit.
9- Gawing mahusay ang trabaho sa pagbibigay ng halaga at inaasahan
mula sa iyo.
10- Gawing mahusay ang
trabaho sa matiyagang pagtuon dito nang walang abala.
11- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagtupad ng iyong mga pangako para sa ikakatapos nito.
12- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagsasanay ng mga katangian para lalong humusay.
13- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagkakaroon ng malusog na katawan para ito maisagawa.
14- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagkakaroon ng mabuting
panuntunang sinusunod sa paggawa.
15- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagdaragdag ng kabatiran tungkol sa ginagawa.
16- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagbibigay ng papuri sa iba bagama’t minimithi mo ito.
17- Gawing mahusay ang
trabaho sa layunin at mga kapakinabangang magmumula dito.
18- Gawing mahusay ang
trabaho sa paglikha ng solusyon kaysa maging bahagi ng problema.
19- Gawing mahusay ang
trabaho sa pagtuturo sa iba ng mga nararapat pang gawin.
20- Gawing mahusay ang
trabaho sa paglalaan ng sapat na pahinga para sa kalakasan ng katawan.
21- Gawing mahusay ang
trabaho sa paggawa ng kaibahan at inspirasyon sa iba na tularan ito.
Ang mabuting ideya ay 10 porsiyento, at kalakip nito ang
implementasyon at masikhay na paggawa, at ang suwerte naman ay 90 porsiyento.
Sa kabubuan ng
iyong trabaho, marami itong daang-daan na posibleng mga kaparaanan at
magagawang mga pagbabago o innovations; at
sa dami ng iba’t-ibang mga tao na mayroon ding trabaho na tulad ng sa iyo,
maraming kumbinasyon din ng kabatiran, sistema ng paggawa, tamang atensiyon sa
gawain, kalakasan o kahinaan, at maging pagmamalasakit para dito. Ang kailangan
lamang ay tamang pananaw, paninindigan at kasiyahang dulot nito para
magtagumpay sa isang trabaho.
Ikaw, papaano mo ba ituring ang iyong
trabaho, nagkataon lamang ba ito o sadyang ito ang iyong pangarap na gawin?
Dahil kung walang ningning sa iyong mga mata sa paggawa, at tuwing umaga ay
kinakaladkad mo ang iyong mga paa papasok sa trabaho, aba’y magsimula ka nang
mag-isip para magbago ng gawain, sapagkat sa kalaunan, mapinsalang karamdaman
ang sasaiyo sa pagkabugnot at pagkabagot na naghahari sa iyong kalooban.
Kung mahal mo ang iyong trabaho, magigig maestro ka nito, subalit kung
kinasusuklaman mo ito, siya ang iyong maestro.
Ang matuto nang
walang kaisipan ay isang kapaguran; ang
kaisipan na walang natututuhan ay kapahamakan.
Sa gawain, hindi basta lamang gumagawa, pinag-iisipan itong maigi kung
mapapadali, makakatulong, at mapapakinabangan.
Ang lunggati ay hindi ang mabuhay magpakailanman. Ang
lunggati ay ang makalikha ng bagay na may alaala nito. Kaya nga, huwag basta pakatitigan
ang orasan. Gayahin ang ginagawa nito. Magpatuloy sa pagkilos. Humanap ng
gawaing kinawiwilihan mo at kailanman, hindi ka na magtatrabaho pa sa araw-araw
ng iyong buong buhay.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Naniniwala AKO
Sa buhay na ito, kung nais mo ng pagbabago sa mga nakikita mo, simulan ito sa iyong sarili.
Naniniwala AKO
Ang
pinakamahusay na bagay tungkol sa hinaharap ay
dumarating lamang sa bawa’t isang araw na pagkakataon. Minsan lamang
itong kumakatok na iyong dinggin; subalit kung masipag ka man, dadaigin
ka ng maagap.
Naniniwala AKO
Ang tungkulin ng pinuno ay makita ang hinaharap at mabatid ang
kanyang organisasyon hindi bilang ito, bagkus kung ano ang kalalabasan o
ikakatagumpay nito.
Naniniwala AKO
Isang serye ng mga karanasan ang buhay, bawa’t isa ay
nagagawa tayong higit na matibay at matatag kaysa dati, kahit na mahirap itong mapatunayan.
Dahil ang daigdig bagama’t masalimoot ay nalikha upang pagyamanin ang ating pagkatao,
at kailangan nating matutuhan na ang mga kabiguan at mga karaingan na ating
tinitiis, ay nakakatulong sa atin upang matatag na sumulong sa ikakatagumpay ng ating
mga adhikain.
Naniniwala AKO
Ang pamumuno ay ang kapasidad na isalin ang bisyon sa
reyalidad.
Naniniwala AKO
Ang tagumpay kailanma’y hindi natatapos, dahil ang nagawa
mo kahapon ay makakaya mo pang mahigitan ngayon. Walang imposibleng bagay kung
ang imahinasyon mo ay walang hanggan.
Naniniwala AKO
Ang dagdagan ng kaunti pa ang iyong ibinibigay kaysa
inaasahan mula sa iyo ay isang mabuting paraan na higit na madagdagan ang iyong inaasahan.
Naniniwala AKO
Ang mga pinuno ay hindi ipinapanganak, sila ay ginawa.
Sila ay nagsilitaw sa pagpupunyagi at mga sakripisyo, ito ang halaga na kung
saan lahat tayo ay kailangang magbayad at magsakripisyo para makamit ang anumang lunggati na
makabuluhan.
Naniniwala AKO
Ang bagabag ay siyang patubo na ibinayad ng mga taong
nangutang ng kaguluhan.
Naniniwala AKO
Nakakamtan natin ang kalakasan, ang katapangan, at
pagtitiwala sa bawa’t karanasan na kung saan ay huminto tayo at hinarap nang
totohanan ang mga pagkatakot . . . kailangan nating gawin ang mga bagay na
iniisip nating hindi makakaya.
Naniniwala AKO
Ang pamamahala ay ginagawa ang mga bagay na tama. Ang
pamumuno ay ginagawa ang mga tamang bagay. (Mula sa aklat na Ang Maging Tunay na Pinuno, ni Jesse N. Guevara, 2007)
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga,
Bataan
Labels:
Busilak
Naniniwala pa rin AKO
Ang mabuting ulo at mabuting puso ay makapangyarihang kumbinasyon.
Naniniwala AKO
Naniniwala AKO
Ang pinakadakilang prinsipyo ng pamamahala sa mundo ay, “ang mga
bagay na ginagantimpalaan at pinahahalagahan ay yaong mga nagawa, hindi ang mga
binabalak."
Naniniwala AKO
Kung nais mong malaman kung bakit ang iyong mga tauhan ay
hindi makagawa nang mahusay, mangyari lamang na humarap ka sa salamin at
pakatitigan ang iyong sarili. Sapagkat ang iyong pamumuno ang sanhi nito.
Naniniwala AKO
Ang patuloy na kabaitan ay marami ang napagtatagumpayan.
Tulad ng araw na tinutunaw ang yelo, ang kabaitan ay nagagawa ang hindi pagkakaunawaan,
kawalan ng pagtitiwala, paghihinala, at mga hidwaan na malusaw.
Naniniwala AKO
Ang pagiging uliran ay pangunahin at kritikal na
panuntunan sa paglikha ng mga tamang kapasiyahan. Kung may pag-aalinlangan,
mistula itong maliwanag na tanglaw sa madilim na daraanan.
Naniniwala AKO
Ang mga matatagumpay na tao ay yaong magagaling sa
planong B.
Naniniwala AKO
Na ang walang sandatang katotohanan at
walang kundisyon na pagmamahal ay siyang mapapatunayan sa dakong huli.
Naniniwala AKO
Makakakuha ng simpatiya at pagtulong mula sa iba hindi sa
pagsiga ng apoy sa ilalim nila, bagkus sa paglikha ng lagablab sa kanilang mga
puso na makiisa sa iyong layunin.
Naniniwala AKO
Kahit na ang pamumuno ay mahirap na ipaliwanag, ang
isang katangian na karaniwan sa mga magagaling na pinuno ay ang abilidad na gawin
ang mga bagay na mangyari.
Naniniwala AKO
Ang karakter ng isang tao ay hindi mapagyayaman sa
pagiging tahimik at panatag sa kabila ng mga kaganapan sa kanyang kapaligiran.
Sa pamamagitan lamang ng mga karanasan sa mga pagsubok at mga kapighatian; ang
kaluluwa ay pinatitibay, ang pananaw ay pinalilinaw, ang ambisyon ay may
inspirasyon, at ang tagumpay ay nakakamtan.
Naniniwala AKO
Ang kalidad kailanman ay hindi isang aksidente. Ito ay
laging resulta nang matayog na hangarin, matapat na pagsisikhay, matalinong
direksiyon at mahusay na pagsasagawa. Kinakatawan nito ang magaling na pagpili
sa maraming mga alternatibo at mga pagkakataon. (Mula sa aklat na Ang Maging Tunay na Pinuno, ni Jesse N. Guevara, 2007)
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga,
Bataan
Labels:
Busilak
Naniniwala pa AKO
Ang kahinaan ng saloobin ay nagiging kahinaan ng karakter o personalidad.
Naniniwala AKO
Maging mabagal sa pagpuna. At mabilis na magpahalaga.
Naniniwala AKO
Ang tao ay walang iba kundi ang produkto ng kanyang
kaisipan. Anuman na kanyang iniisip, ito ang mangyayari sa kanya.
Naniniwala AKO
Ang pinakamainam na kasangkapan na panghalina sa iyong arsenal
ng mga sandata sa pamumuno ay ang iyong integridad.
Naniniwala AKO
Wala silang pakialam kung gaano ang iyong nalalaman
hanggang sa mabatid nila kung gaano ka magmalasakit.
Naniniwala AKO
Kung ang mga bagay ay tila nasa kontrol at malumanay sa
pagkilos, ikaw ay mabagal at pahinto na.
Naniniwala AKO
Ang mga ulirang panuntunan ay tinatanglawan ang aking
landas, at sa bawa’t pagkakataon, patuloy akong pinagpapala ng bagong
katapangan na harapin ang buhay na masigla, may kagalakan, may kabutihan, may kagandahan,
at may katotohanan. Wala na akong mahihiling pa sa aking kaluwalhatian.
Naniniwala AKO
Ang unang responsibilidad ng isang pinuno ay maintindihan
ang reyalidad, ang pinakahuli ay bumigkas ng, “Salamat sa iyo.” Sa pagitan ng
dalawang ito, ang pinuno ay nakalaang maging tagapaglingkod.
Naniniwala AKO
Ang kasiyahan ay nag-uugat sa kaligayahan ng tagumpay at
ang mataos na pananalig sa makasining na sama-samang paggawa. Ito ang bayanihan at tradisyong Pilipino.
Naniniwala AKO
Ang tunay na pagkakakilanlan
ng pamumuno ay ang abilidad na mabatid ang isang problema bago ito maging isang
kapahamakan.
Naniniwala AKO
Hindi lahat ng hinaharap ay magagawang baguhin. Subalit
walang mababago hangga’t hindi ito hinaharap. (Mula sa aklat na Ang Maging Tunay na Pinuno, ni Jesse N. Guevara, 2007)
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga,
Bataan
Labels:
Busilak
Thursday, January 03, 2019
Subscribe to:
Posts (Atom)