Ang paghanga ay nagsisimula kapag natapos na ang mga palabok na papuri at hayagang pagmamaliit sa sarili.
Sa mga umpukan at lalo na sa mga pagtitipon, kapag may nakasalamuha tayong mga bagong kakilala na tumawag sa atin nang pansin, ay nais natin silang makilala. Bakit nga ba hindi, kung mayroon tayong nakikitang mga katangian na ating hinahangaan at nais matularan. Subalit papaano naman, sa paghaharap na ito, ay magagawa mong maipakilala o ang maipaalam kung sino kang talaga.
Ito ang
kadalasang pinangangambahan ng marami, lalo na yaong mga hindi nakahanda at
walang gaano mang maipapakilalang mga katangian o maipagmamalaking gawain.
Urong-sulong at inaapuhap ang mga katagang nais mabigkas nang walang
inaala-alang mga kapintasan. Ang mga
karaniwang naitutugon ay, “Ang aking
pangalan ay . . . “ o dili kaya’y, “Ako’y
isang guro lamang.” “Taga baryo Makitid lamang ako.” At magwawakas sa, “Nagtapos lamang ako sa
isang publikong pamantasan.”
Mapapansin na kalimitan ay may kalakip na kataga ng lamang sa mga ito. At sa madaling pang-unawa; nagpapahayag ito ng kakapusan at umiiral na pagmamaliit sa sariling pagkatao at kakayahan. Nahihiya na makilala ang tunay na pagkatao. Kung ito ang nais na maipakilala, ito rin ang magaganap na pagpapahalaga sa relasyong mamagitan. Kung walang nakikitang paggalang ang iyong kaharap sa iyo mismong sarili, ito rin ang uri ng paggalang ang makukuha mula sa kanya. Ang tanong, Bakit kailangan pang samahan ng lamang? Gayong sapat na ang banggitin ang ilang inpormasyon tungkol sa sarili. Tungkol ba ito sa pagiging mapagkumbaba? Kung ito ang dahilan; ang pagiging guro ba ay kababaan? Kung taga-baryo Makitid ka, isa ba itong kababaan? Ang pagtatapos ba sa publikong pamantasan ay kababaan? Maliban kung ikinakahiya ang mga pagkakakilanlan na ito sa personalidad ng isang tao.
Subalit ang mga ito ay hindi lubusang ipinakikilala kung sino kang talaga, maliban kung mababa ang pagpapakilala mo sa iyong sarili. Hangga’t ikinahihiya ng isang tao ang kanyang kalagayan sa buhay, nababawasan ang kanyang mga pagkakataon sa buhay. Sa dahilan na yaong mga tao na nakahandang tumulong sa kanya ay magsisimulang mag-alinlangan at umiwas na mahawa pa sa kanya.
Sinuman sa atin na nakakatiyak kung gaano ang kanyang mga katangian o maging mga kakayahan ay hindi pa rin lubusang nababatid na ang mga pagpapakilanlan na ito ay hindi resulta ng masidhing pagtuklas sa ating mga sarili, bagkus isang bagay na kusang “nangyari sa atin.” Napakadaling malaman kung papaano ito nangyari. Gaano ba kadalas na umupo tayo at sinimulang isa-isahin ang mga katangiang na sadyang nagpapakilala kung sino tayo? Mga katangian at kakayahan na sadyang maipagmamalaki natin kung sino tayong talaga.
Isang katotohanan na ang ating mga buhay ay masalimoot at lubhang matalinghaga. Sinuman ay hindi mapapasubalian na nabubuhay tayo sa isang lipunan na personal at makasarili; patuloy tayong binubomba araw-araw ng mga komersiyal at mga mensahe tungkol sa mga pahusayan, walang hintong mga tunggalian, at mga kompetisyon. Tinitingala ang mga kampeyon, pinupuri ang mga nanalo, at pinaparangalan ang mga magagaling. At kung hindi tayo kabilang sa mga ito, nagkakaroon tayo ng mga pag-aalinlangan sa ating mga sarili at ikinakahiya ang kawalan natin ng mga kakayahan. Kahit na ang simpleng pagsulat ng ating mga katangian upang mapag-aralan at pahusayin ay isang mahirap na gawain para sa atin.
Tulad sa paggagamot, hangga’t hindi nalalaman ang sanhi ng karamdaman, walang sapat na kagamutan para ito malunasan. Hangga’t hindi mo ganap na nababatid ang mga katangian mong taglay ay wala kang kakayahan na ito’y magamit para paunlarin sa iyong kapakinabangan.

Dalawang konsepto
ang may relasyon dito tungkol sa pagsasaayos upang personal mong makilala ang
iyong sarili.
1-Pagsasaliksik.
Ito ang
relasyon mo sa iyong sarili na magkaroon ng aktibong pagtuklas at panunutunan
tungkol sa iyong mga pananaw at inpormasyong pinaniniwalaan. Habang tayo ay
nakikibaka sa buhay ay patuloy din ang mga bagong karanasan, mga bagong
inter-aksiyon sa ibang tao, at mga bagong emosyon na nagbibigay sa atin ng
pagkakataon upang baguhin o palakasin ang sentrong aspeto ng ating
pagkakakilanlan sa ating mga sarili. Ito ang nakapaghuhudyat kung papalitan
natin ang ating trabaho, mapapangasawa, o hihintuan ang panonood ng walang
kabuluhang palabas sa telebisyon. Nakakatulong din ito na maiwasan ang
panghihina ng loob, paghamak sa sarili, at kawalan ng pag-asa.
2-Pagtatalaga
Ito
ang
relasyong iniuukol mo sa iyong sarili na pagindapatin at pahalagahan ay
iyong
mga katangian at mga kakayahan sa iyong pagkatao. Anumang katangian at
kakayahan na mayroon sa iyo ay
nararapat mong ikarangal at ipagmalaki. Dahil ito ang magdadala sa iyo
para lalo mong paghusayin. Walang sinumang makakagawa nito sa iyo
kundi ikaw mismo. Kung wala kang tahasang pagsasaalang-alang ng
iyong pagkatao, mistula kang ipa na ililipad sa isang bugso ng hangin.
Manindigan! Paunlarin ang iyong sarili at magpakatatag. Simulang
tumayo at panindigan ang mga makabuluhan at patungo sa kaunlaran ng
iyong sarili. Kahit na
bagyo o anumang daluyong, ang matatag na punongkahoy ay hindi magagawang
maibuwal.
Ang pagpapakilala na nagsimula sa tunay na pakikipag-kaibigan ay may katiyakang magtatapos sa matalik na relasyon.
Maaaring kaiba ang iyong personalidad, sino ba sa atin ang hindi, ngunit ang iyong pagkakakilanlan ay siyang susi mo sa tagumpay. Ang iyong pagkatao o karakter ay kalidad ng iyong mga personalidad; ang iyong trabaho, ang iyong samahan, ang iyong kalagayan sa buhay, mga paniniwala, ang iyong pagmamalasakit sa kapwa, at maging ang iyong mga nagagawang pagtulong sa iyong pamayanan--lahat ng mga ito ay kabubuan ng iyong pagkatao kung sino kang talaga. Higit pa ito kaysa pagkakakilala mo sa iyong sarili at sa mga nais mo pang magawa sa hinaharap.
Maging panatag at nakakatiyak sa iyong tunay na personalidad --- sapagkat ito ang lumilikha ng iyong pakikipagrelasyon sa iba. Ito ikaw ngayon, at sa mga darating pang mga araw sa iyong buhay. At kung magagawa mong komportableng masanay, may pagtitiwala at mapayapa ka sa pagdadala mo sa iyong katauhan, sinumang tao na iyong makakaharap; maging hari, presidente ng bansa, may mataas na posisyon o katungkulan sa pamahalaan, at maging karaniwang mamamayan ay wala kang itatago o pangangambahan. Malaya kang ipahayag na banggitin ang iyong pangalan, tirahan, at trabaho nang walang anumang pag-aatubili kundi ang ipagmalaki na ikaw ito at wala ng iba pa.

Ngayon, puwede na ba kitang makilala?
No comments:
Post a Comment