Naniniwala AKO
Maging mabagal sa pagpuna. At mabilis na magpahalaga.
Naniniwala AKO
Ang tao ay walang iba kundi ang produkto ng kanyang
kaisipan. Anuman na kanyang iniisip, ito ang mangyayari sa kanya.
Naniniwala AKO
Ang pinakamainam na kasangkapan na panghalina sa iyong arsenal
ng mga sandata sa pamumuno ay ang iyong integridad.
Naniniwala AKO
Wala silang pakialam kung gaano ang iyong nalalaman
hanggang sa mabatid nila kung gaano ka magmalasakit.
Naniniwala AKO
Kung ang mga bagay ay tila nasa kontrol at malumanay sa
pagkilos, ikaw ay mabagal at pahinto na.
Naniniwala AKO
Ang mga ulirang panuntunan ay tinatanglawan ang aking
landas, at sa bawa’t pagkakataon, patuloy akong pinagpapala ng bagong
katapangan na harapin ang buhay na masigla, may kagalakan, may kabutihan, may kagandahan,
at may katotohanan. Wala na akong mahihiling pa sa aking kaluwalhatian.
Naniniwala AKO
Ang unang responsibilidad ng isang pinuno ay maintindihan
ang reyalidad, ang pinakahuli ay bumigkas ng, “Salamat sa iyo.” Sa pagitan ng
dalawang ito, ang pinuno ay nakalaang maging tagapaglingkod.
Naniniwala AKO
Ang kasiyahan ay nag-uugat sa kaligayahan ng tagumpay at
ang mataos na pananalig sa makasining na sama-samang paggawa. Ito ang bayanihan at tradisyong Pilipino.
Naniniwala AKO
Ang tunay na pagkakakilanlan
ng pamumuno ay ang abilidad na mabatid ang isang problema bago ito maging isang
kapahamakan.
Naniniwala AKO
Hindi lahat ng hinaharap ay magagawang baguhin. Subalit
walang mababago hangga’t hindi ito hinaharap. (Mula sa aklat na Ang Maging Tunay na Pinuno, ni Jesse N. Guevara, 2007)
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga,
Bataan
No comments:
Post a Comment