Sunday, September 07, 2014

Tutukan ang Katotohanan



Ang katotohanan ay makirot subalit ang kasinungalingan 
ay paghihingalô.

Lahat ng katotohanan ay dumaraan sa tatlong pagtukoy. Una, ito ay tinutuyậ. Pangalawa, ito ay marahas na sinasalungat. Pangatlo, ito ay tinatanggap bilang kitang-kita at hindi mapapasubaliang ebidensiya.
   Anumang nararamdaman mo sa iyong sarili; maging ito man ay kasiyahan, kalungkutan, kasakitan o karaniwang bagabag—may nais makipag-usap sa iyo. Ginigising ka ng iyong konsensiya.  Nanggagaling ito sa kaibuturan ng iyong puso, na humihingi na tutukan mo. Dalawang paraan upang ito ay lubusang mapakinabangan o maiwasan. Kung papaano lalong matamasa (ipagpatuloy ang kasiyahan) o, maiwasan (ihinto ang kapighatian) ang mga ito.  
   Ang pagtutok (hindi yaong may baril kang hawak at nakatutok sa kalaban mo) ay pagtuon. Ang buong atensiyon mo ay nakatutok sa pinagmumulan ng iyong nadarama. Isa itong kaparaanan na kinikilala mo ang mga isyu, kaaliwan o kaligaligan sa iyong isipan, at gumagamit ka ng positibong mga imahinasyon at mga apirmasyon habang dinadama mo kung patungo ito sa katiwasayan o kaligaligan. Nakakatulong ito na maipagpatuloy pa ang kasiyahan, o sa kabilang dako, ay mabawasan ang mga pighati at iritasyon na dulot ng mga isyu at mga problema.
   May kapangyarihan kang piliin kung ano ang makakabuti para sa iyong kapakanan. Subalit kung pababayaan na lamang ang nadaramang bagabag na dumaraing at humihingi ng iyong atensiyon, para na ring inihanda mo ang iyong sarili sa mga pasakit, karamdaman, pagbigat ng timbang, masalimoot ng mga relasyon, mapaminsalang mga aliwan, at problema sa pananalapi.
   Lahat ng mga ito ay malulunasan—nang madali at mabilis … kung tututukan lamang ang ugat o sanhi na nagaganap sa iyong isipan at nagpapahirap sa iyong kalooban kung makakatulong ay ipagpatuloy, at kung makakapinsala ay ihinto at tahasang iwasan na.
  
itutok,  itapik, ikatòk, ugatin, namnamin  v  tap
pagtuón,  pag-asintâ, pagtukòy   n  focus
tuyâ,  kutyâ, pintâs, sisî   v   ridicule


No comments:

Post a Comment