Monday, September 15, 2014

Ano ba ang Mahalaga?



Hindi mahirap malaman kung ang gagawin ay mahalaga o hindi mahalaga,
 kung batid mo kung ano ang iyong paninindigan at pinahahalagahan.

 Ito ang ating patuloy na alinlangan, kapag nahaharap tayong magpasiya. Walang hintong mga katanungan ang palaging sumisiksik sa ating isipan. Ano ba ang aking uunahin sa umagang ito? Paulit-ulit, tinatantiya, at maya-maya pa ay may kakawilihang bagay... at maagaw ang pansin, hanggang mawala na sa isipan kung ano ang mahalaga at hindi mahalaga sa sisimulang gawain.
   Ninanasa natin ang mga bagay, na kung saan ay wala tayong kontrol, at ang masakit pa dito ay hindi tayo nasisiyahan at walang satispaksiyon sa mga bagay na may kontrol tayo. Kailangan natin ang regular na huminto, at alamin ang tinutungo kung ito ang tunay na hangarin at priyoridad natin sa buhay. Mahalaga na madetermina sa ating sarili kung anong mga bagay ang makabuluhang harapin, at nang sa gayon ay maiwasan ang mga walang katuturan na umaagaw sa ating ng atensiyon.; Ano ang higit na magastos at matagal matapos? At ano ang hindi makakayang matapos? Anong desisyon ang higit na makakatulong, at alin naman ang hindi? Sino sa mga kaibigan ko ang aking sasamahan, 'yong bang masayahin?.. o, ang madaing at problemado sa buhay?
   Kahit na ibayong nakakalito, nakakapagpahirap o nakakasakit sa buhay ay magagawang katanggap-tanggap kung malinaw at nakakatiyak tayo sa gagawing kapasiyahan. Dahil dito nakasalalay kung magiging masaya, maligaya, mapanglaw at pawang pasakit ang dadanasin mo sa buhay. Kung hindi ka makapagdesisyon at wala kang desisyon, isa na itong desisyon.

Magtiwala sa sarili at magpasiya kung ano ang itinitibok ng iyong puso. Hindi ka kailanman ipagkakanulo ng iyong puso.

No comments:

Post a Comment