Sunday, September 07, 2014

Tumindig at Manindigan



Ang kapalaran ay pinapaboran ang nakahandang 
isipan, katawan, at ispirito.
Pag-aralan na manindigan. Napansin ko na ang pamumuno ay hindi isang kakayahan. Ito ay karakter o uri ng pagkatao mo. Ang matagumpay, masayahin, at  matiwasay na mga tao ay kinapapalooban ng mga kahalagahang tulad ng integridad, katapatan, at katapangan na siyang nagpapasulong sa kanilang personal na kahusayan at kabuluhan. Ang tunay na mga lider ay namamatnubay mula sa puso. Dahil nagawa nilang linangin at isapuso ang isang etikal na kódigó, o batayan na nangingibabaw sa kanilang pamamalakad bilang parehong mahusay na tagasunod at mahusay na lider.
   Kapag ang mga bagay ay namamali, o sila ay nabibigo, inaapuhap nila at tinutuklas ang tamang solusyon sa kanilang kaibuturan upang maging huwarang mga tao. Ang likas at tunay na Pilipino ay nagsisimula ang pamumuno kapag nababatid niya kung saan at papaano ang manindiganano ang hinahangad niya sa buhay at saan direksiyon siya patungo, isang pakikibaka na kung saan sinusukat ang lahat ng kanyang mga kapasiyahan. 
   Kapag itinuon mo ang iyong buong atensiyon sa bawa’t saglit, tuwirang gising ka sa mga kaganapan; ito ay isang kumpletong habang-buhay na pag-aaral, makabuluhang karanasan, at matiwasay na pamumuhay. Ang kailangan ay maihanda mo ang iyong isipan, katawan at isip. Sa paraang ito, ang iyong kapalaran ay nasa iyong mga kamay.

Ang Paninindigan ng Tunay na Pilipino
1-Ang kapalaran ay papaboran ako kung nakahanda ang aking isipan, katawan, at ispirito.
2-Kailangan lalo pa akong magsumigasig kaysa umasa at maging higit na mahinahon kaysa iba.
3-Ang pamumuno ay isang prebelihiyo, hindi isang karapatan at maging kapangyarihan.
4-Bilang tunay na Pilipino, ako ang kahuli-hulihang dadampot ng tabak, kundi upang pangalagaan at ipagtanggol ang aking pamilya at ang aking bayan.
5-Tatamasahin ko ang kaligayahan sa pagtuklas ng kawatasan, paggawa ng kabutihan, ibayong pagmamahal, at hindi ang habulin ang mga panandaliang aliwan, kayamanan, posisyon o mga titulo, at maging katanyagan.
6-Magpupunyagi ako na paunlarin ang aking sarili, paghusayin ang aking mga katangian at kakayahan, ang aking pamilya, ang aking pangkat, at pamayanan sa bawa’t araw.
7- At lubos akong umaasa na marami sa ating mga kababayan ang nag-iisip nang malalim at makabuluhan tungkol dito, at inihahanda ang kanilang isipan, katawan, at ispirito para tuwirang makamtan ang kanilang mga pangarap. Patungo sa BagongPilipinas.
  
Kung hindi mo titindigan kahit na anumang bagay, madali kang babagsak kahit na sa walang katuturan.


No comments:

Post a Comment