Wednesday, February 02, 2011

Ang Ating Pananagutan


   Nakapanlulumo at kahindik-hindik ang mga kaganapan sa ating bansa. Matitindi na ang mga bagabag na ating kinahaharap; lahat tayo, maging nasa ibang bansa ay nakadarama ng ibayong panganib sa kawalan ng Pambansang Pagkakaisa. Laganap ang krimen sa buong kapuluan; mga sabwatan, pagsasamantala, paninikil, pandarambong sa kaban ng bayan, at matinding kahirapan. Marami pa rin ang bulag, pipi, at bingi sa mga karaingan. Lalo na roon sa mga nagtutulog-tulugan, at ayaw masangkot o makialam. Hindi nila inaalintana na sila ma'y biktima din ng mga kabuktutan. Nagpapatuloy lamang ang kasamaan kapag wala ng mabubuting humahadlang laban dito.

Saan ba tayo patungo? Ano ba ang hihintay natin? Bakit kailangan nating magtiis sa kawalan? Kumilos na tayo!

Pambansang Pagkakaisa ang kasagutan sa lahat ng ito.
Panahon na upang bigyan natin ito ng ibayong pansin; pagmalasakitan, itaguyod, at payabungin.
   Nasa ating mga kamay ang ikauunlad ng ating Inang-bayan.
   Simulan natin sa ating mga sarili, at ang lahat ay magaganap.


No comments:

Post a Comment