Isang larong palaisipan na isinusulat o binibigkas at nangangailangan ng mataman na pag-iisip.
Tungkol sa mga Gulay
1- Gabinlid nang aking ihulog, higit sangdangkal nang aking mabunot.
2- Maparas sa lasa at sahog sa salabat, ito'y gamot kapag namamalat.
3- Sanga-sanga, buko-buko, nagbulaklak di naman nagkabuko, nagkalaman wala namang buto.
4- Walang buto o binhi, sa nabubulok na halaman ay kuyog kung magsulputan.
5- Hindi naman tao o hayop ito, subalit may mahabang buhok sa dulo nito.
6- Magsasaing si Hudas; nang maglamas ay kinuha ang hugas, itinapon ang bigas.
7- Kahit na masikip at maraming siit, doon siya laging gumigitgit.
8- Kulay ubi at may makintab na mukha, kawangis ay batuta.
9- Balat ay kulubot at mapait ang lasa, matamis na pakwan ang kalahi niya.
10- Mailap na manok sa gubat, pagsayad sa dila ay magliliyab.
11- Panali na lulubog-lilitaw, laging sinisita ni Islaw.
12- Pula man o puti; kapag aking hihiwain, tiyak ako'y paluluhain.
13- Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis.
14- Luntian kung hilaw at pulahan kung hinog, sa ginisa'y laging isinasahog.
15- Ang ina ay gumagapang pa, ngunit ang anak ay nakaupo na.
Mga Sagot: 1. Labanos, 2. Luya, 3. Kamote, 4. Kabuti o kuwat, 5. Sariwang mais,
6. Gata ng niyog, 7. Labong, 8. Talong, 9. Ampalaya, 10. Siling-labuyo, 11. Sitaw,
12. Sibuyas, 13. Sili, 14. Kamatis, 15. Kalabasa
May karugtong na Mga Bugtong;
Tungkol sa bulaklak, kagamitan, hanapbuhay o gawain,
No comments:
Post a Comment