Tuesday, February 15, 2011

Mga Bugtong


Tungkol sa mga Bungang-kahoy

1- Ate siyang tawagin, mga buto’y itim ngunit masinsin, matamis kainin.

2- Hugis-puso ang anyo, ngunit ang buto ay mabalahibo.

3- Munting prinsesa, nakaupo sa tasa.

4- Mga daliring sapin-sapin, paborito ng matsing.

5- Bolang luntian, pula ang laman, mga buto’y itiman.

6- May korona sa tuktok, maraming buto ang nasa loob.

7- Kumpol na naglambitin, maitim pa sa uling.

8- Heto na si ate, naninilaw pa sa rin tulad ng dati.

9- Santo ka man at nakaukol, buto mo’y nakakabukol.

10- May halaman sa tuktok, maraming mata sa palibot.

11- Laging may tanong na ano, kapag sumagot nama’y paanas ito.

12- Pulang-pula ang kulay, laging sa guro ay iniaalay.

13- Hindi naman anak ng kalabaw, may maraming maliit na sungay.

14- Limang magkakapatid, tigisa ng silid, sa nag-iisang kumot ay magkakasukob.

15- Kay liit at saksakan ng asim, ngunit sa sawsawan ay laging kapiling.

Mga Sagot: 1. Atis,  2. Mangga, 3. Kasoy o Balubad,  4. Saging,  5. Pakwan,
                     6. Bayabas,  7. Duhat,  8. Atiyesa,  9. Santol,  10. Pinya,  11. Anonas,
                     12. Mansanas,  13. Guyabano,  14. Lansones,  15. Kalamansi

May karugtong na Mga Bugtong;  
Tungkol sa mga gulay, bulaklak, kagamitan, hanapbuhay o gawain,
mga bahagi ng katawan, tirahan, mga iba’t-ibang bagay, atbp.

Subaybayan at kawiwilihan!

No comments:

Post a Comment