Saturday, October 15, 2016
May Nais Ka pa ba?
Hindi ang pinakamalakas sa atin ang nakakaligtas, hindi rin ang
matatalino, bagkus ang mga sumasang-ayon sa pagbabago.
Kung
malinaw tayo sa ating mga motibo, ang ating mga pagkilos ay lalong lalakas,
sapagkat magagawa natin ang intensiyon nito ng sandaang porsiyento. Ang ating
kusang pagkilos ang nagtutulak sa ating iniisip, binibigkas, at mga ginagawa.
Ito ang nagsusulong sa bawa’t bagay na na nais nating mangyari. Ito ang nagpapasigla na
matupad ang ating mga lunggati. Nangyayari lamang ito kung nakakatiyak tayo
kung ano talaga ang nais nating mapasaatin.
Mayroon tayong
dalawang kapangyarihan sa pagpili: 1) ang pumili; 2) at ang piliin ang tama. Ito
ay kusang nangyyari sa atin nang hindi natin gaanong namamalayan,
Hindi ka nakakatiyak
sa hinaharap at hindi mo rin mapipigil itong
maganap. Ang nakaraan naman ay hindi mo na mababalikan pa. Naglaho na ito at
limot na. Ang magagawa mo lamang ay harapin ang araw na ito at simulan ang
pagbabagong noon mo pa pinapangarap at nais mangyari sa hinaharap. Ngayon na
ang tamang panahon, at wala nang maganda pang pagkakataon para sa iyo kundi ang
mga sandaling ito.
Alamin
at pag-aralan ang iyong buhay.
Narito ang mga katanungan at ikaw lamang ang makakasagot.
Narito ang mga katanungan at ikaw lamang ang makakasagot.
Maitatanong mo kung papaano na posibleng higit na malaman
ang tungkol sa iyo kaysa ang alamin pa ito, (ayon sa iyo ay alam mo na ito, at hindi na kailangang pag-usapan pa), subalit
karamihan sa atin, lalo na yaong mga nananatiling bigo sa buhay at nakasadlak sa kahirapan ay hindi nila
lubusang nakikilala ang kanilang mga sarili. Wala silang kabatiran kung ano ang kanilang
tunay na kalakasan o sadyang kahinaan. Hangga’t wala kang napag-aralan sa iyong sariling buhay,
pawang patama-tama at padaskol na buhay ang mangyayari sa iyo. Walang katiyakan
ang lahat. Kahit saan mapunta ang direksiyon, dito na mananatili. Itanong sa sarili; Kung saan mo kailangang
magsimula?
Marami kang nalalaman sa mga iniidolo
mong tao; artista, tanyag, o pulitiko man ang mga ito. Marami ka ring nabasa na
aklat at napag-aralang buhay noong nag-aaral ka pa. Mga karanasan at
kinawilihang mga gawain o libangan na umaaliw sa iyo. Alin sa mga ito ang nagpapasaya sa iyo? Ang iyong kinagigiliwan? O ,
nais na gampanan sa iyong buhay? Mayroon ka bang kasiglahan o silakbo na
nadarama na nangingibabaw sa iyo na ito ang iyong kailangang gawin? At kapag ginawa mo’y
nakakatiyak ka bang magtatagumpay ka? Ito ba ang iyong ambisyon? Kahit na hindi ka bayaran, ... ay patuloy mo pa ring gagawin? Bakit hindi mo pa gawin ito, ngayon na?
Pag-aralan at limiing mabuti ito:
(Mula sa aking pagkakasalin)
Ang malalim nating pagkatakot ay hindi ang ating
kakulangan.
Ang kinakatakutan nating labis ay ang ating ibayong
lakas na hindi masukat.
Ang ating liwanag, at hindi ang ating kadiliman ang
higit na tumatakot sa atin.
Tinatanong natin ang ating mga sarili, sino ba ako
upang magning-ning,
ang maging kaibig-ibig, matalino, at kahanga-hanga?
Sa katunayan, sino ka at hindi ito magaganap?
Ikaw ay anak ng Diyos.
Ang maliit na pagganap ay hindi nakapaglilingkod sa
mundo.
Walang nagagawang nakakaliwanag ang umiiwas
upang ang ibang mga tao ay hindi maasiwa sa paligid
mo.
Lahat tayo ay nakatakdang magning-ning, tulad ng
gawa ng mga bata.
Tayo ay ipinanganak upang mapatunayan ang
kaluwalhatian ng Diyos na nasa kaibuturan natin.
Hindi lamang tuwiran na nasa ilan ito sa atin,
ito’y naroon sa bawa’t isa.
At kung hahayaan natin ang ating sariling mga
liwanag ay magning-ning, walang malay
nating pinahihintulutan ang ibang tao na gawin ang katulad
nito.
Habang tayo ay napapalaya mula sa ating pagkatakot,
sa ating pagtalaga ay dagliang pinapalaya ang iba. –Marrianne Williamson
Batayan: kung nakaharap ka sa salamin; ay may isang tao
na nakatingin din sa iyo, sino ang nakikita mo? Subalit ito ang totoo, at walang gaanong
nakakapansin. Ginagaya ka nito kahit na anong gawin mo. Bawa’t isipin mo ay
gagawin niya. Subukan mong ngumiti, at ngingiti din ito. Pagalitin mo ang mukha
mo, at magagalit din ito. Alam mo bang sunod-sunuran ito sa iyo? Kahit na
isipin mong tumalon sa bangin, ay tatalon din ito. Sapagkat ikaw lamang ang
makapangyarihan niyang sinusunod at wala ng iba pa. Kung pauuto ka at makikinig sa sulsol ng iba, at habang ginagawa
mo ito sa iyong sarili, ang nakikita mo sa salamin na tao ay walang magagawa kundi
ang sumunod din sa iyo. Ngunit ihanda mo ang iyong sarili sa mga bagabag,
problema, mga paliwanag sa panag-inip, at kapag talagang may tampo na ito sa
iyo ay padadalhan ka pa ng mga bangungot. At kung minsan kapag matindi na ang
galit, ay hindi ka na magigising pa. Ito ang katotohanan at nasusulat pa. (Pakibasa
lamang ang AKO nga Ito at Wala ng Iba pa, 30 Hunyo/11)
Bagaman hindi natin inaasahan, kahit na
lubha tayong abala sa mga gawain, ang tadhana ay naglalagay ng mga balakid
upang subukan kung gaano tayo katapang at may kakayahang magbago; sa mga
sandaling ito, hindi mainam na punto ang magkunwari na parang walang nangyari o
dili kaya ay nagdadahilan tayo na hindi pa handa. Ang paghamon ay hindi
makapaghihintay. Ang buhay na lumipas ay hindi na maaari pang mabalikan. Ang
isang linggo ay sobra ng panahon para sa atin na magpasiya kung tatanggapin o
hindi ang ating kapalaran.
Kung may mga tamang katanungan, ay may mga tamang kasagutan. Dito nakasalig ang iyong tamang kapalaran.
Buhay mo ang
nakataya dito, ang iyong kapalaran ay naghihintay. Nasa iyong mga kamay
nakasalalay ang iyong tagumpay at gayundin ang kabiguan.
Kailanman ay hindi ko matatagpuan ang
aking sarili kung makasarili at lumalayo ako sa kabubuan ng sangkatauhan na
tila ako’y isang ibang uri na nilalang.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga,
Bataan
(Pakibasa lamang ang Mga Dakilang Prinsipyo ng Buhay, 07 Disyembre/11)
Labels:
Busilak
Wednesday, September 28, 2016
Panatang Makabayan
Ito ang orihinal na bersiyon ng ating Panatang Makabayan na buong kagitingang binibigkas matapos kantahin ang ating Pambansang Awit. Bahagi ito ng paglilinang ng ating mga paaralan sa mga mag-aaral upang ikintal sa puso, diwa at kaluluwa, ang marubdob na pagmamahal sa ating Inang-Bayan at sambayanang Pilipino.
Kadalasan sa mga pagtitipon; sa panahon ng pagdiriwang sa ating kasarinlan tuwing ika-12 ng Hunyo, bahagi ng programa ang pag-awit nito, at sa mga paligsahan at pagsasaya, ay kung sino ang makakabuong awitin ang ating Lupang Hinirang. Matapos ito, ang susunod naman ay ang pagbigkas ng Panatang Makabayan. At kadalasan din, marami ang nakakalimot at hindi mabuo ang kanta at panata. Ang kanilang katwiran, para lamang ito sa mga bata. Sa ating henerasyon ngayon, lalo na doon sa mga nagsilaki at nagkaisip sa ibang bansa, tuluyan na itong nalimutan. Doon naman sa mga may kagulangan at mga magulang na, pawang pagkibit ng mga balikat at ismid ang ipupukol sa iyo. May iba naman, tinging Medusa ang magpapatigil at paparalisa sa iyo. Tila mga napapaso at kalabisan na sa kanila ang pag-ukulan pa ito ng pansin.
Subalit ayon sa kanila, sila'y mga Pilipino. Kaya lamang, walang nalalaman o, pitak sa kanilang puso ang anumang kataga sa awitin at panata tungkol sa pagiging tunay na Pilipino.
Pilipino nga kaya sila? Katanungang pinipilit kong arukin.
Ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan ay mahalagang sangkap sa ating katauhan. Nanlulumo ako at hindi mapagtanto, kung bakit iilan at bihira ang nakakaalam ng mga ito. Gayong ito ang nagpapaala-ala, bumibigkis, at nagpapakilala sa atin kahit kaninuman, kailanman, at saan mang panig ng mundo. Pinatitibay nito ang ating pagiging makabayan at pagmamalasakit sa ating katutubong kultura at mga sining. Ito ang ating sandigan at personalidad na kumakatawan sa atin kung sino tayo, anong lahi at uri, at ang ating pinanggalingan. Hindi tayo mga putok sa buho na bigla na lamang lumitaw at walang nalalaman sa ating pinagmulan.
Nagiging katawa-tawa at nalalagay sa alanganin ang ilang Pilipino kapag nahihilingang awitin ang Lupang Hinirang at ipahayag ang Panatang makabayan, at hindi mapaunlakan ang mga banyagang humihiling. Gayong sila ang pasimuno at nangangasiwa sa mga pagdiriwang ng kani-kanilang mga pook sa ibang bansa. Higit pang nakakabalisa; maraming guro sa ngayon ang hindi rin maawit ng buo ang Lupang Hinirang at mabigkas ng tuwiran ang Panatang Makabayan, kapag tinatanong ng mga kabataang nagnanais na matutuhan ang mga ito. Sa maraming bansa na aking napuntahan at sinalihang mga pagdiriwang, laging bahagi ito sa mga kulturang pagtitipon. At bilang mga tunay na Pilipino, nakalaan tayong ibahagi ang ating awit at panata. Ito ang pambungad sa alinmang okasyon na nagpapakilala sa ating bansa, lalo na sa pandaigdigang paligsahan, mga palaro at mga kompetisyon.
Magagawa mo bang awitin at bigkasin ang dalawang makabayang pagdakila na ito sa ating Inang Bayan?
Ito ang malaking pagkakaiba sa tunay na Pilipino at doon sa mga huwad at nagkakunwaring Pilipino. Ang pakilala nila mga Pilipino daw sila, subalit hindi maawit ang ating Pambansang Awit at mabigkas ang ating Panatang Makabayan.
Ang makalimot sa ating nakaraan at pagkakakilanlan; ay masahol pa sa isang banyaga na naghahanap ng sariling lungga.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Batingaw
Istorya ng Buhay
Tumugon ang
aso, “Panginoon, masyado namang mahabÃ
ang 20 taon sa pagtahol. Nais ko ay 10
taon lamang at isinasauli ko ang 10
taon.”
“Kung ganoon ay gagawin kong 10 taon na lamang para sa iyo,” ang
tagubilin ni Bathala.
Tinawag
naman ni Bathala ang matsing, “Masigla
kang naglalambitin sa mga sanga, umaaliw at nakikipaglaro sa mga kagaya mo,
bibigyan kita ng 20 taon na mabuhay.”
Mabilis ang
sagot ng matsing, “Anooo? 20 taon para lamang makipaglaro, makipaghabulan at umaliw?
Hindi ko matatagalan ito, ‘yong aso nga, 10
taon lamang, sana ako ay 10 taon
din tulad ng sa aso.” At ito nga ang ipinagkaloob ni Bathala sa matsing.
Tinawag
naman ni Bathala ang bakà , “Lumapit ka sa
akin bakà , kailangang sumama ka sa magsasakà sa kabukiran. At sa maghapon ay
tulungan mo siya na magbungkal ng lupà sa init ng araw, magkaroon ng mga supling
na guyà , at magbigay ng gatas para suportahan ang magsasakà . Bibigyan kita ng 60 taon sa paglilingkod mong ito.”
Napailing
ang bakà sa narinig at kapagdaka’y nakiusap, “Sa hirap na dadanasin ko sa kabukiran at pagsasakà , bakit naman 60 taon ang babakahin ko? Bakit hindi
na lamang 20 taon at isinasauli ko
ang 40 taon, hindi ko matatagalan
ito.”
At pumayag
muli si Bathala sa kahilingan.
Aalis na sana
si Bathala nang mapansin niya ang isang tao na nakaupo sa gilid at matamang
nanonood at nakikinig sa mga pangyayari.
Tinawag niya
ang tao, at nagpahayag, “Sa nakita kong interes
na ginawa mo, nais kong maging masaya ka sa tuwina, ang kumain, matulog,
maglibang, mag-asawa at tamasahin ang kasiyahan sa buong buhay mo. Bibigyan
kita ng 20 taon para mabuhay.”
Nakakunot
ang noo na tumutol ang tao, “Anooo? Bakit 20 taon lamang? Puwede ba, …sa akin na ang 20 taon ko, kukunin ko rin ang 40
taon na isinauli ng bakà , at ang 10
taon na isinauli ng matsing, pati na rin ang 10 taon na isinauli ng aso. Sa kabubuang lahat ay 80 taon. Ito ang kahilingan ko para
lalo akong maging masaya.”
“Sige na nga,” ang pagsang-ayon ni
Bathala, “Ibibigay ko sa iyo ang
kahilingan mong 80 taon.”
…At ito nga ang siyang naghari sa daigdig, sa unang 20 taon walang ginawa ang mga tao kundi
ang kumain, matulog, maglaro, at aliwin ang sarili; ang sumunod na 40 taon ay pawisang magpaalipin sa init
ng araw tulad ng bakà para suportahan ang sariling pamilya; at ang sumunod na 10 taon ay tularan ang matsing na
makipaglaro at aliwin ang mga apo, ang natitirang 10 taon ay gayahin ang aso na umupo sa silyang de-tugyà sa harapan
ng bahay at tahulan ang sinumang nagdaraan.
Ito ang buòd na istorya ng ating buhay at simpleng
kuwento para sa iyo.
Jesse N. Guevara
wagasmalaya.blogspot.com
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Mga Katatawanang may Aral ng Linggo
Huwag seryosuhin ang buhay. Kailanman ay hindi ka
makakalabas dito nang buhay.
Hindi ba katatawanan ang mga ito:
Talaga namang nakakatawa kung
bakit ang hello ay nagtatapos sa goodbye.
Talaga namang nakakatawa kung
ang magagandang alaala ay nagagawa kang paluhain.
Talaga namang nakakatawa kung bakit
ang magpakailanman ay nauuwi lagi sa pansamantala.
Talaga namang nakakatawa kung
bakit madali ang magpatawad kaysa lumimot.
Talaga namang nakakatawa kung
papaano nagsisitakas ang ilang mga kaibigan kapag ikaw ay nangungutang.
Talaga namang nakakatawa kung
marami ang dahilan kapag ayaw na mapakiusapan.
Talaga namang nakakatawa kung
bakit nakangiti ka na ay nakasimangot pa ang iba.
Talaga namang nakakatawa kung
sino pa ang nakakatulong siya pa ang laging sinisisi.
Talaga namang nakakatawa kung
masaya ka marami kang kasama at kung malungkot naman ay laging nag-iisa.
Talaga namang nakakatawa kung kayabangan
ay ipinangangalandakan, at kapag napahiyà , nagtatago sa lunggà .
Talaga namang nakakatawa kung
bakit marami ang may opinyon kaysa ang umaksiyon.
Talaga namang nakakatawa kung
putà k at hindi tilaók ang namamayani sa isang bahay.
Talaga namang nakakatawa kung
ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Ang taksil naman ay pinsang-buo ng
mandarayà at kalaguyò ng bugáw.
Talaga namang nakakatawa kung
bakit may respeto sa iba, ay suwail naman sa sariling pamilya.
Talaga namang nakakatawa kung
bakit kung mayroong makukuha ay pinupuri at kung wala naman ay pinipintasán.
Talaga namang nakakatawa kung
wala nang maisaing ay nagtatawag pa ng mga bisità .
Talaga namang nakakatawa kung
wala ka namang kakayahan huwag namang maghamon pa.
Talaga namang nakakatawa kung
ayaw mong magkamali, magtungo sa isang sulòk at mag-isang magmukmòk.
Talaga namang nakakatawa kung
nangangarap nang gising, mahirap talaga itong gisingin.
Talaga namang nakakatawa kung
maiksi ang kumòt, magsimulang mamaluktòt.
Talaga namang nakakatawa kung
bakit laging naghihirap ang mahihirap, at laging yumayaman ang mayayaman. Ito
ay dahil sa katamaran at walang pakikialam.
Talaga namang nakakatawa kung
ang madaldal ay nahuhuli sa bibig, papaano naman kung makatà , ito ay nahuhuli
naman sa dilà .
Talaga namang nakakatawa kung
ang reputasyon ay madaling makuhá, ang karakter naman ay madaling mawalà kahit
sa isang kamalian lamang.
Talaga namang nakakatawa kung
bakit may dalawa tayong tainga, at isang bibig.
Talaga namang nakakatawa kung
ang may mabubuting puso ay ulirán, at ang may masasamang puso ay kabuktutan;
papaano naman kung walang puso, huwag pamarisán, dahil wala nang ipagbabago pa
ito.
Isang pilosopiya ang sinusunod ko
pagdating sa mga katatawanang ito ng buhay: Magpunò
kapag may kulang. Kalusin kapag puno o bawasan kapag umaapaw. At kamutin kung
saan may kumakati.
Jesse N. Guevara
wagasmalaya.blogspot.com
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Bakit Minamahal ng mga Lalake ang mga Babae?
Sa mga umpukan at tagayan, marami ang nagtatanong, “Ano nga ba ang nakikita o nadaramà ng mga
lalake sa mga babae at patuloy nilang pinakikisamahan, minamahal at
pinagtitiisan ang mga babae sa kabila ng mga selos, hinala, at ‘abuso” (verbal
abuse) na namamagitan sa relasyon?”
Narinig na
natin ito: “My way or the highway!” The best secret to a happy wife, “Yes, dear?” And the best answer of
all times is, “O sige na nga, ikaw na ang
bahala.”
May
nagpaskel pa ng ganito: Two Golden Rules to a Happy Marriage; Rule 1:
The wife is always right. Rule 2:
When you feel your wife is wrong, slap your face twice (both cheeks) and read
rule number 1 again.
Papaano nga ba mamahalin ng mga lalake ang
kanilang kapareha o asawa, at kung bakit patuloy nilang ginagawa ang emosyonal
na bagay na ito. Ito ba ay isang tungkulin o obligasyon na kailangang tahasan
na gawin para magkaroon ng mabuti at matagalang pagsasama?
Bagamat marami
ang nag-alinlangan sa kanilang pagsagot at mga pahayag, narito ang ilan sa
kanilang mga komentaryo:
Nagmamahal ang mga lalake sapagkat ito talaga ang
kanilang kalikasan. Lalo na kapag may mga pamilya na sila, sagradong tungkulin
ito at tahasang obligasyón na kailangang magampanan nang mahusay.
Bakit nga ba hindi maintindihan ng mga
lalake ang mga babae?
Sapagkat kalikasan
nila ang magmalaki at ipakilala na sila ang ama ng tahanan at kailangang
masunòd.
Sapagkat kalikasan
nila ang iduyán at purihin na sila ang gumagawa at nakakagawa ng lahat sa
pamilya.
Sapagkat kalikasan
nila ang huwag ipantay ang sarili sa asawa at ituring na tagasumod lamang ito.
Sapagkat kalikasan
nila ang huwag madungisan ang mga kamay lalo na sa trabahong bahay at pag-aruga
sa nagsisilaking mga anak.
Sapagkat kalikasan
nila ang magyabang, magpakalalake, kapag natatawag na ander-de saya o “Yukoza”
(Yuko nang yuko sa asawa).
Sapagkat kalikasan
nila ang makalimutan ang kaarawan ng kapareha at anibersaryo ng kanilang
pagsasama.
Sapagkat kalikasan
nila ang makipagbarkada, umuwi ng gabi (kung
minsan ay lasing pa), at “arugain” hanggang maghilik sa higaan.
Sapagkat kalikasan
nila ang manood sa telebisyon, uminom ng beer, at asahan ang asawa na siyang
mag-asikaso ng lahat sa bahay.
Sapagkat kalikasan
nila ang suyuin at regaluhan ang asawa, kapag may “kamalian” na nagawa.
Sapagkat kalikasan
nila ang “magtaksil” at ikatwiran na natural lamang ito sa dahilang “by nature,
men are polygamous.”
Sapagkat kalikasan
nila ang mga detalye, mga kumplikado, mga matematika at pisikal na pagsuma,
subalit waalang nalalaman tungkol sa mga babae.
Sapagkat kalikasan
nila ang mga makina, mga sasakyan, mga kagamitan at kasangkapan tulad ng mga
babae pagdating naman sa mga alahas.
Sapagkat kalikasan
nila na mabatid ang kanilang iniisip at totohanin ang kanilang mga pananalita.
Sapagkat kalikasan
nila ang makipagsapalaran, makipagtunggali (competition),
at makipagtalo (arguMENtative).
Sapagkat kalikasan
nila ang huwag umiyak nang harapan ngunit humahagulgol kapag nag-iisa.
Sapagkat kalikasan
nila ang huwag maniwala sa horoscope (horror para sa kanila ito) at
kinayayamutan ang magtungo sa shopping mall at maghintay.
Sapagkat likas
na sa kanila na malaman ang katotohanan o dahilan sa tuwing binabanggit ng
kapareha ang, “I love you.” Iniiwasan
nila ang “bilmoko noon at bilmoko nito.”
Sapagkat likas
na sa kanila ang manahimik at ipakita ito sa aksiyon. Naghihintay na laging
pinupuri at hinahangaan kahit walang kakayahan.
Sapagkat likas
na sa kanila na laging, inuunawa at binibigyan ng kaukulang pagpapahalaga.
Sapagkat likas
na sa kanila ang isports, palakasan at adbenturura, kaysa mga paksà sa social
media at mga chat blogs, o relihiyon.
Sapagkat likas
na sa kanila ang magmahal huwag umunawa at magkunwari kaysa magpatianod sa
agos.
…sa kabila ng lahat ng mga ito, sadyang hindi
maintindihan ng mga lalake ang mga babae. Ang laging ipinapayo ng mga dumaan sa
matinding mga digmaan sa relasyon; Huwag unawain ang mga babae, kundi ang
mahalin lamang sila.
Jesse N. Guevara
wagasmalaya.blogspot.com
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Bakit Minamahal ng mga Babae ang mga Lalake?
Marami ang nagtatanong kung papaano magmahal ang mga
babae, at kung bakit patuloy nilang ginagawa ang emosyonal na bagay na ito para
sa mga lalake. Ito ba ay isang tungkulin o obligasyon na kailangang tahasan na
gawin para magkaroon ng mabuti at matagalang pagsasama? Bagamat marami ang
nag-alinlangan sa kanilang pagsagot at mga pahayag, narito ang ilan sa kanilang
mga komentaryo:
Nagmamahal ang mga babae sapagkat ito talaga ang
kanilang kalikasan. Lalo na kapag may mga anak na sila, sariling buhay at
matagalang pagkalinga sa kanilang mga supling ang nakatayà .
Bakit nga ba hindi maintindihan ang mga
babae?
Sapagkat kalikasan
nila ang tahasang magmahal at mahalin.
Sapagkat kalikasan
nila ang tumingin at hanapin ang higit na responsable at makapaglilingkod sa
pamilya.
Sapagkat kalikasan
nila ang paggalang at umunawa sa anumang mga pagkukulang.
Sapagkat kalikasan
nila ang makiisa at tumulong sa ikakapayapa at ikakaunlad ng pamilya.
Sapagkat kalikasan
nila ang sumanggguni sa anumang pasiya na makakatulong sa lahat.
Sapagkat kalikasan
nila ang magmungkahi kapag may paroblemang kinahaharap.
Sapagkat kalikasan
nila ang manahimik at maghintay kapag may sigalot na nagaganap.
Sapagkat kalikasan
nila ang magturo ng magandang asal at mabuting pag-uugali.
Sapagkat kalikasan
nila ang gumawa ng mga gawain sa bahay kahit na hindi inuutusan.
Sapagkat kalikasan
nila ang magsilbi nang kahit na walang katumbas o anumang kapalit.
Sapagkat kalikasan
nila ang palaging nasa iyong tabi lalo na sa panahon ng matinding krisis o
pangangailangan.
Sapagkat kalikasan
nila ang lumuhà at magdamdam kapag sila ay nakakalimutan (lalo na mga berdey at
anibersaryo).
Sapagkat kalikasan
nila ang magselós, dumaing, at dumaldal kapag napapabayaan.
Sapagkat kalikasan
nila ang mag-akalà , ang maghinalà at maging personal sa lahat ng bagay.
Sapagkat kalikasan
nila ang magtiìs at umasà na ang lahat ay mababago pa.
Sapagkat kalikasan
nila ang pag-usapan ang mga nakaraan at isaayos ang hinaharap.
Sapagkat kalikasan
nila ang sobrang atensiyon sa mga lakarán, mga pagtitipon, at usapan.
Sapagkat kalikasan
nila ang magpaganda, mangarap, at makilala sa kanilang mga nagawa, ginagawa, at
mga gagawin pa.
Sapagkat kalikasan
nila ang pag-isahin ang magkabilang pamilya para sa ikakatagumpay ng lahat.
Sapagkat kalikasan
nila ang mahalin ang sarili upang mahalin din sila.
Sapagkat kalikasan
nila ang maniwala at manalig sa Diyos, kahit na mangahulugan pa ito ng upasala
at mga kantiyaw ng mga kritiko.
… Sa mga nagpapayo kung papaano kailangang mahalin
ng mga babae ang lalake? Simpleng kasagutan lamang po; “Huwag
mahalin ang mga lalake, kundi ang unawain lamang.”
Jesse N. Guevara
wagasmalaya.blogspot.com
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Kailangan ang Paggalang
Ilang linggo nang nakaratay si Mang Gusting sa
mabigat na karamdaman. Batid niya na hindi siya magtatagal pa, at kahit na pauntol-untol
ay ipinatawag niya ang kanyang maybahay na si Aling Tindeng.
Sa tabi ng
kama, kahit paanas ang pananalita ay nagbilin si Mang Gusting sa asawa, “Mahal kong Tindeng, nais kong magpagawa ka ng
testamento para mailipat ko ang ating mga ari-arian sa ating mga anak.
Pakisulat mo ang aking mga habilin: para sa ating panganay na si Alex; ibinibigay
ko ang kalahati ng lahat nating mga ari-arian at pera sa bangko. Dahil sa lahat
ng ating mga anak, siya lamang ang patuloy na may pananalig sa Diyos.”
“Ay naku! Huwag namang ganyan, Gusting! Hindi kailangan ni Alex ang
ganyang kalaking kabuhayan, mayroon naman siyang sariling maunlad na negosyo.
At isa pa, may pananalig siya sa ating relihiyon. Ang mabuti pa, ipagkaloob mo
‘yan kay Berting. Kasi, siya lamang sa mga anak natin ang hanggang ngayon ay
hindi mapagpasiyahan kung may Diyos o wala. Hindi pa nga niya nasusumpungan
kung saan direksiyon ang kanyang buhay talaga pupunta.”
“Ahh, ganoon bah, O sige ibibigay ko ang
kalahati ng lahat ng ating kabuhayan kay Berting.”
Napangiti
si Aling Tindeng at masuyong nagpatuloy, “Gaya nang aking nasabi, Gusting, hindi
kailangan ni Alex ang anumang bagay. Ako na lamang ang bahala sa mga ari-arian para magawa
kong lagi na matulungan ang ating mga anak sa kanilang mga pangangailangan.”
“Palagay ko ay tama ka Tindeng. Ngayon,
tungkol naman sa malaking lupa na ating pag-aari sa Maynila, ang aking desisyon
ay iwawanan ko ito kay Melba.”
Nanlaki ang
mga mata ni Aling Tindeng sa narinig, “Anooh!
Kay Melba???
Nababaliw ka na ba Gusting? Mayroon na siyang mga lupa sa Makati at San Juan,
bakit pati ‘yong nasa Maynila ay ibibigay mo pa? Nais mo bang maging negosyante
siya at masira ang kanyang pamilya? Ang aking iniisip ay si May Jane, siya ang
higit na nangangailangan ng lupa para sa kanyang pamilya.”
Bagamat
nahihirapang huminga at paanas nang magsalita, pinilit ni Mang Gusting na itaas
ang ulo at palakasin ang boses, “Mahal
kong Tindeng, sadya kang mabuting
maybahay at mapagmahal na ina, at nauunawaan ko na hinahangad mo ang
makakabuti sa bawat anak natin, subalit, kung
maaari lamang sana… magpakita ka naman ng paggalang sa aking mga mungkahi o
mga opinyon. Kung tutuusin, sa pagitan nating dalawa sa mga sandaling ito, sino
ba ang mamamatay sa atin, ikaw ba o ako?”
Jesse N. Guevara
wagasmalaya.blogspot.com
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Subscribe to:
Posts (Atom)





