5. KUMILOS -Kung hindi ka kikilos, kikilusin ka ng iba.
Mayroon
dalawang uri ng tao sa mundong ito: yaong laging umaaksiyon at gumagawa ng
kaibahan sa kapaligiran, at yaong mga nakamasid, naghihintay, at ayaw marumihan
ang mga kamay.
Ang mundo ay isang tanghalan, subalit hindi
lahat ng mga tao ay mga aktor o gumaganap ng kanyang tanging papel. Karamihan
ay mga reaktor, dahil anumang
pagsubok na kanilang natanggap ay reaksiyon ang isinasagot sa halip na lumikha,
gumawa ng solusyon, at tuparin ang responsibilidad. Ito ang kadalasang
reaksiyon: Kung may nais ay nakakagawa ng paraan, subalit kapag ayaw ay
maraming dahilan. Bakit hindi maging proreaktor? Ang maging tagalikha,
tagasolusyon at tagapamayapa.
Ang mga tao na mahilig sa reaksiyon ay
palaging may hinihintay, umaasa sa buhay na may mangyayari din sa wakas. At
lagi ding nababalisa, nalilito kung bakit patuloy na mga kabiguan ang
nakapangyayari sa kanilang pamumuhay.
Sa ating mga relasyon o maging sa trabaho,
hindi nakakabuti ang laging naghihintay sa milagro o sa pagkakataon na
darating. Wika nga, “Daig ng maagap ang masipag!” Sa iba, sumisilip pa lamang si
Mister Oportunidad, sinusunggaban nila ito kaagad. Dagdag pa, “Kung
sino ang laging nasa kusina, ay siyang laging namamantikaan!” Kung nais
mo na talagang magtagumpay sa buhay, maging aktor
kaysa maging reaktor. Ang maging victor
at hindi ang maging victim. Kung
nais na patuloy na nauuna at laging panalo, ugaliing maglaro ng ofensibà hindi
ng depensà.
May kwento si Ama, “May isang matandang
lalake na talagang desperado na sa buhay, marami na itong naitayong negosyo at
wala ni isa man lang ang nagtagumpay. Bagama’t hindi relihiyoso, nagpasiya
itong magdasal nang paluhod sa santo na nagbibigay daw ng suwerte. Araw-araw ay nasa loob ito ng simbahan at taimtim
na nananalangin. “Mahabaging santo, buong pagpapala po ninyo akong tulungan. Ang
tangi lamang pong paraan para ako makabangon sa kahirapan ay ang manalo sa lotto.”
Hindi na mabilang ang mga araw na patuloy
ang pagsusumamo ng matandang lalake sa santo. Isang araw, matapos ang
tumatangis na panalangin niya, ay may narinig siya na naiinis na tinig mula sa
likod ng santo, “Hintuan mo na ang dramang ‘yan, bumili ka naman ng tiket!”
Ang
kaalaman at pagkilos ay magkapatid.
Jesse
Navarro Guevara
Lungsod
ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment