4. PAKIRAMDAM -Gawing positibo at praktikal ang pagtuon sa mga bagay.
Ang
mga positibong pakiramdam o
emosyon—katulad ng kaligayahan, pasasalamat, kaluguran, kagalakan, inspirasyon,
at pagtatangi ay hindi lamang mga kadakilaan bagkus mga kaganapan na nag-aakyat
sa iyo na mapawalan ang tunay mong ispirito at makaniig ang iyong kaluluwa.
Kapag patuloy na nararanasan mo ang mga pakiramdam na ito, lumilikha ka ng “paglutang sa hangin-na tila hindi nakasayad
sa lupa ang iyong mga paa.” Malaki at direkta itong nakakatulong na
mapalakas ang iyong pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili.
Bagama’t kailangan nating maging
makatotohanan tungkol sa mga tagumpay at mga kabiguan sa ating mga pakikibaka,
nakapagdudulot naman ito ng katatagan upang pagtuonan natin ng pansin ang
magagandang aspeto ng buhay—sa halip na kalahati lamang ang lamang tubig ng
baso, ang nakikita natin ay puno ng kalahati ang lamang tubig ng baso.
Anumang kapighatian ay magagawang idapâ tayo
upang hindi na makabangon pa o hubugin tayo na magsumigasig pa para
magtagumpay. Ito ay isang pagpili. Matalinong piliin ang makabuluhan at
makapagpapaunlad. Ang iyong isipan ay makapangyarihang bagay. Kapag pinunò mo
ito ng mga positibong kaisipan, ang iyong buhay ay tahasang mababago.
Laging tandaan: Ang isang bagay na tanging
mayroon ka na wala sa iba…
ay
IKAW,
ang iyong tinig,
ang iyong isip,
ang iyong istorya,
ang iyong pananaw,
IKAW
lahat ng mga nadaramang ito.
Kaya nga, … marapat lamang na isulat at
likhain,
At itayo at maglaro at magsayaw at mamuhay
nang
tanging IKAW lamang ang may kakayahang
makagawa nito.
Tignan ang mga kagandahan ng paligid, hindi ang mga kapangitan nito.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng
Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment