Walang saysay
ang patigasan
ng asal, “Kung matigas siya, higit akong
matigas kaysa kanya!” “Kung ayaw niya ay ayaw ko rin!” Batas ito ng
kagubatan, at matira ang matibay. Nakasulat ito: Ang “Mata sa mata.” (An eye for an
eye) ay nag-iiwan ng pagka-bulag (blindness),
at ang “Ngipin sa ngipin.” (a tooth for a tooth) ay nag-iiwan naman
ng pagka-bungal (toothlessness).
Sinuman
sa atin ay walang maipapakitang kabuluhan o maging kapakinabangan kapag
sinusunod ang patakarang “Makuha sa
Patigasan” –lalo lamang nagpapalubha ito sa sitwasyon. Ito ang kundisyong, “Kung tama ka, lalo akong higit na tama
kaysa iyo!” Pagpapatunay lamang ito na, walang patutunguhan ang ganitong
patigasan kundi sayangin ang mga pagkakataon at pati na ang panahon na dapat
sana ay maiukol sa tamang kapasiyahan at mabuting relasyon.
Maraming pagsasamahan ang nabuwag at nauwi
sa alitan at awayan dahil lamang sa patigasan ng loob. Hindi matanggap ng
magkabilang panig kung sino sa kanila ang mauunang magpakumbaba at magawang
sumuko. Higit pa nilang binibigyan ng atensyion ang sasabihin ng iba kaysa
sundin ang pagkakasundo. Nahihiya sila na maipakita sa iba na sila ang
nagkamali kung mauuna silang susuko.
Ano ba ang higit na mainam at makakabuti? Ang upasala ng iba o ang
pagsurot ng sariling budhi?
No comments:
Post a Comment