Ang kalidad ang nangungusap, hindi ang kalagayan, estado,
titulo o posisyong tinataglay ng isang tao. Bagamat may karapatan na ipakita ng
iba ang kanilang mga natapos, mga napagtagumpayan, o nakamit na mga parangal at
halos matakpan na ang dingding ng mga diploma, mga sertipikko, at mga katibayan ng
papuri, hindi pa rin maipagkakaila na mga palamuti lamang ang mga ito kung ang
pagbabatayan ay kung anong uri ng pagkatao ang nagawa ng mga ito sa isang tao.
Nasa gawa at hindi sa salita makikilala ang
katotohanan. Marami ang magagaling mangusap, lalo na yaong mga nasa radyo at
telebisyon, mga aral sila at sinanay ang mga sarili, subalit paimbabaw lamang
ito dahil marami din sa kanila ang hindi makabuo ng pamilya. Marami ang
matatalino sa larangang pinasok, ngunit pagdating sa relasyon sa ibang tao ay
mga mangmang at arogante.
Wika
nga sa Inggles, “Knowledge is power.” Ang wika ko naman, wala itong saysay
kung hindi naman ito nagagamit. Kung nakapag-aral at nagpaka-dalubhasa pa ang
isang tao ngunit hindi naman niya ito nagagamit, wala siyang ipinag-iba sa
isang mangmang na hindi nakapag-aral. Magkatulad lamang sila ng kalagayan sa
lipunan.
No comments:
Post a Comment