1.Kung
hindi ka makalipad, tumakbo ka, kung hindi ka makatakbo, lakarin mo, kung hindi
mo makayang maglakad, gumapang ka, kahit na anuman ang ginagawa mo kailangang
tahasan at patuloy na kumikilos ka tungo sa direksiyong ikakatagumpay mo.
3.
Kung mayroon kang ideya sa nais mong gawin para sa iyong kinabukasan,
kailangang matibay at masidhi ang iyong obsesiyon para ito ay matupad, kahit na
ano pang larangan o kalagayan mo sa ngayon, ang iyong hangarin ito ay kusang
makakamit mo kapag buong isipan at lahat ng atensiyon ay iuukol mo dito, at
wala ng anumang bagay na makakahadlang pa sa iyo.
4.
Kapag nalagay ka sa isang matindi at mahirap na tungkulin, isang bagay na wari
mo’y imposibleng magawa, simulan kaagad kahit na sa mumunting mga pagkilos sa
bawat araw, mamamangha ka na lamang na kusang matatapos ito. Hindi ang kaliitan
ng nagagawa o kabagalan ng natatapos, hanggat patuloy ang iyong pagkilos,
anumang gawain ay matatapos din.
5.
Alalahanin na may dalawang benepisyo ang kabiguan. Una, kapag nabigo ka,
natutuhan mo kung bakit at saan ikaw ay namalì; at pangalawa, ang kabiguang ito
ay nakapagbigay sa iyo ng oportunidad na sumubok muli ng panibagong paraan.
Subalit kung walang matibay na dahilan upang ipagpatuloy mo pa ang gawaing ito,
lumilitaw lamang na libangan na ito sa iyo. Sapagkat ang pagkakamali ay minsan
lamang, kapag ito’y naulit at nasundan pang muli, isa na itong bisyo.
6..
Ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang ating ginagawa at kung ano ang ating
kakayahan para magawa ito ang siyang makakalunas sa maraming problemang
nakaharap sa atin. Pansinin kung ano ang ating inaatupag sa araw-araw, narito
ang tunay nating atensiyon kung bakit nahuhumaling tayong gawin ito. Ang
tanong: Ito ba’y nakakatulong at
nagpapaunlad ng iyong kapakanan? Kung hindi naman at walang katuturan ito,
baguhin na ang libangang ito na umaagaw ng iyong panahon para sa iyong
kabutihan.
7.
Ibigay mo sa iyong mga pangarap ang lahat ng mayroon sa iyo nang walang
pagtatangi. Kung ang iyong isipan, puso, at kaluluwa ay nakatuon dito, ikaw ay
mamamanghĂ sa kaganapan nito. Lalong pag-iibayuhin ang buo mong kalakasan at
kasiglahan upang ang hangaring ito ay posibleng mangyari.
No comments:
Post a Comment