Wednesday, July 08, 2015

Makibaka Huwag Maghintay



Sa buhay; isang pangangailangan ang pakikibaka, ang lahat ay umiikot sa mga pagkilos na tumutugon sa sariling kapakanan. Sapagkat hindi mo maibibigay ang anumang bagay na wala sa iyo. Ang nakakalungkot lamang, doon sa mga tao na namulat ang mga mata na may nagbibigay sa kanila ng anumang kanilang magustuhan sa buhay. Ito ang sanhi kung bakit sila ay mga tamad, makasarili at walang pakiramdam sa tunay na mga kahalagahan sa buhay. Ang kinakailangang pagpupunyagi at mga pagtitiis na patuloy nilang iniiwasan ay siyang pangunahing balakid sa kanilang pagkatao na mayroon tayo ngayon.
  
Ang paglalakbay at tunay na mga pakikibaka ay nasa labas at wala sa loob ng bahay. Kung nais mo nang magretiro sa ngayon, ang kailangan mo lamang ay tugyang upuan, bagamat patuloy mo itong tinutugya, hindi ka naman umuusod at laging nakapako sa isang sulok.

No comments:

Post a Comment