Sunday, November 23, 2014

Panaligan ang Sarili



Hindi mo kailangan ang apeksiyon o pagsuyo at pahintulot ng iba upang mapabuti mo ang iyong sarili. Sinuman na inaayawan ka, o iniiwanan ka, o hinahatulan ka, sa katunayan ito ay hindi para sa iyo, ito ay tungkol sa kanila. Dahil sa kanilang mga insegruidad o di-katiwasayan sa sarili, mga limitasyon, mga panaghili o selos, at mga pagkatakot na umaalipin sa kanilang mga isipan. Hindi mo kailangan na pag-aksayahan pa ito ng mahalaga mong panahon. Ang iyong kahalagahan ay hindi nakasalalay o katumbas ng kanilang pagtanggap sa iyo. At kung bakit sila ay lumalayo sa iyo, ito ay patunay lamang na sila ay hindi mo kauri. Hindi nila magagawang tagalan ang mga bagay na may disiplina, punyagi, mababang-loob, paglilingkod, at katapatan na mayroon ka.

Karapatan mo na ipahayag ang tunay mong saloobin at nadarama. Tungkulin mo sa iyong sarili na  iparating ang iyong mga pangangailangan at hilingin ang katumbas na paggalang kaninuman. At kung hindi ito magampanan ng iba, may karapatan kang iwasan at alisin sa iyong buhay ang sinuman na nagpapahirap sa iyong kalooban. Kung minsan, ang paglayo ay siyang mainam na pasiya.

No comments:

Post a Comment