Iisa lamang ang
landas
patungo sa ligaya, panatilihin ang puso na matiwasay at malaya sa pagkagalit.
Alisin sa iyong isipan ang mga bagabag at mga kalituhan. Simpleng mamuhay,
umasam nang kaunti, at magbigay nang marami. Maglingkod nang tapat at
makipagkapwa nang walang balatkayo o anumang pagkukunwari. Magmahal nang taos sa puso
nang walang pagmamaliw at mga kundisyong pinaiiral. Iwasan ang humatol at
mag-akala nang walang batayan. Mahalin ang sarili nang higit sa lahat at kusang
maglingkod nang tapat sa iba.
Ano pa ba ang mga bagay na hihigit pa dito?
Wala na nga. At walang imposibleng bagay kung sadyang ninanasa mo ito, At kung siyang
magpapaligaya sa iyo ay tahasang gagawin mo. Ang kaligayahan ay isang pagpili. Dahil sa iyong buhay, mapipili mo na maging masaya o maging malungkot. Naisin mo man o hindi, ang mga
kapighatian at pasakit ay patuloy na dumarating sa ating buhay, subalit mayroon tayong
kakayahang piliin kung makakaapekto ito o hindi para sa ating katiwasayan.
No comments:
Post a Comment