Sunday, November 23, 2014

Bawal ang Mag-akala



Hindi maiiwasan ang mag-akala. Kung ang iba ay nagsasabi ng ilang bagay; sa pakikinig, tayo ay lumilikha ng akala o haka-haka, at kung hindi naman sila nagsasabi ng ilang bagay tayo din ay nag-aakala upang masagot ang ating mga katanungan at maiwasan ang mainitang pagtatalo. Kahit na may narinig tayong ilang bagay na hindi natin maintindihan, gumagawa pa rin tayo ng pag-aakala kung ano ang kahulugan nito at ating pinapaniwalaan ang inaakala nating tama para dito. Nangyayari lamang ang mga pag-aakala na ito sapagkat wala tayong kakayahang magtanong at alamin ang tamang kasagutan.

Maging matapang na magtanong muna at ipahayag kung anuman ang iyong inaala-ala, nadarama o kung may pag-aalinlangan man. Iparating kaagad at pag-usapan nang maliwanag kung ano ang iyong ninanais at ninanais din ng iyong kausap upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan, pagkakamali, o paghihinala. Huwag magpaligoy-ligoy at tuwirang sabihin ang gumugulo sa isipan para sa kabutihan ng lahat.
   Kung isasapuso lagi ang ganitong patakaran magagawa mong baguhin at pagbutihin ang iyong buhay.

No comments:

Post a Comment