Sunday, November 23, 2014

Mabuting Isipan



Huwag mag-alala tungkol sa lahat ng mga negatibo o walang katuturang mga kaisipan, at huwag nang subukan pang supilin ang mga ito at maging malakas pa tuwing binibigyan ng atensiyon. Ang kailangan lamang ay magsimulang mag-isip ng maganda at mabuting mga kaisipan sa bawat araw. Anuman ang iyong inilalagay sa iyong isipan ay ito din ang iyong gagawin at siyang makapangyayari. Habang pinapayagan mo ito, lalo itong magpapatuloy hanggang makasanayan at maging ugali na.

Magtanim ng mabuting mga kaisipan upang umani ng mabuting mga gawa sa bawat araw. Habang patuloy na mabuti ang iyong iniisip patuloy ding humahalina ka ng marami pang mabuting mga kaisipan, at humahantong sa mahusay na pagpili at tamang pagkilos. Nagagawa din nito na palitan at tuluyang malimutan ang negatibong mga kaisipan na humahadlang para ikaw ay mabigo sa buhay.
    

     Mabuhay nang walang pagkukunwari.
     Makinig nang walang paghatol.
     Magsalita nang walang pananakit.
     Maglingkod nang walang kapallit.
at  Magmahal nang walang pagmamaliw.

No comments:

Post a Comment