Paligiran ang
iyong sarili
ng mga tao na kumikilala at nagpapahalaga sa iyo. Malaking bahagi ng bawat
relasyon ang komunikasyon. Naisin mo man o hindi, may mga tao na ang uri ng
personalidad ay hindi angkop at kawangis ng pagkatao mo. Isa kang pambihira at walang katulad sinuman sa buong mundo. Huwag sayangin ang mahalaga
mong mga oras na pinipilit at sinusuyo sila na maunawaan ka. Sa halip, makiniig
at makigrupo sa mga tao na umuunawa at tumatanggap sa iyo nang walang mga
paghatol at kundisyong pinaiiral sa inyong relasyon.
Sumama
sa mga tao na nagpapasaya sa iyo, at tumutulong sa panahon ng iyong mga
pangangailangan. Sila ang tunay na mga nagmamalasakit at nakahandang ipaglaban
ka sa anumang pasakit at kapahamakan na mangyayari sa iyo. At doon naman sa
iba, sila ay mga nakasabay at panandaliang nakasama mo lamang sa iyong
paglalakbay sa buhay.
Tanggapin
sa iyong sarili na hindi ito nangangahulugan na wala ka nang pagkagiliw pa
sa kanila. Pagpapatunay lamang ito na ang tanging tao na may higit kang
kakayahan na pakibagayan at kontrolin ay ang iyong sarili lamang. Ang unang
hakbang upang magkaunawaan ay tanggapin nang maluwag ang isa’t-isa, nasa
pagtanggap lamang magkakaroon ng kalunasan upang maiwasan ang anumang sigalot.
No comments:
Post a Comment