Ang tagumpay ay hindi hangganan, ang kabiguan ay hindi kamatayan;
ang katapangan lamang ang nagpapatuloy at siyang sandigan.
ang katapangan lamang ang nagpapatuloy at siyang sandigan.
Ang
pagbabago ay isang bahagi ng buhay, subalit sa ibang kadahilanan,
marami ang natatakot harapin ito. Ang pagbabago ay pag-usad, at ang
pag-usad ay batayan na tayo ay
yumayabong patungo sa pag-unlad. Sa mga balakid at pagsubok na
dumarating sa
ating buhay, natututuhan natin ang maraming leksiyon upang tumalino tayo
at maging mahusay.
Habang nakikibaka tayo sa mga paghamon na ito, lalong nag-iibayo ang
ating katapangan
para makamit ang tagumpay.
Habang tayo ay gumugulang, napatutunayan
natin na ang mga leksiyon na ito ay hindi lamang mahirap at nalalagpasan natin,
kundi nararanasan natin na siyang napakahalaga. Nagagawa nitong higit na magkaroon ng
kahalagahan at kaibahan ang ating buhay. Ang pakikihamok sa buhay ay nangangailangan ng tibay
ng loob, katatagan, at katapangan para mapagtiisan ang mga kapighatian na ating
nararanasan. Kailangan maging matapang sa pagharap sa anumang problema at
mapagtagumpayan ito, sapagkat narito ang pagkakataon para umusad at matupad ang
ating mga pangarap.
No comments:
Post a Comment