Wednesday, December 20, 2017

Tawagan Mo AKO



KOMUNIKASYON
Iwasan ang mag-akala, walang mabuting ibubunga ito. Sa halip matapang na magtanong at ipahayag kung ano talaga ang iyong ninanais. Kung walang katanungan, makakatiyak ka nang walang kasagutan. Hindi mo masasagot ang anumang bagay kung inaasahan mo palagi ang maghintay. Maaga pa, ay kontakin na ang nais na makausap, at gawing direkta at klaro ang komunikasyon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, mga pangungutwiran, mga taltalan, at maiwasan ang kapahamakan na dulot ng mga alitan. Kung maaari, alisin na sa sistema ng pagkatao ang mga: Akala, Hinala, mga Haka-haka, at mga Pagdududa. Sapagkat lalo ka lamang ibinabaon ng mga ito sa kadiliman.

No comments:

Post a Comment