Sunday, November 27, 2016

Manalig at Huwag Bibitaw

Lahat ng pagpapala at gantimpala ay hindi basta lumitaw na lamang, kailangan ang tapang, pagsisikhay, at pagpapakasakit. Masarap lasapin ang tagumpay kung kaakibat nito ang mga pagtitiis, mga paghihirap, at mga pakikipagsapalaran.
   Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa paggawa ng mga gawaing nagpapaligaya sa iyo. At kung binabayaran ka para dito, ito ay bonus na lamang. Nananalig tayo na habang may ginagawa tayong kabutihan para sa kapakanan ng marami, walang hintong pagpapala naman ang iginaganti tungkol dito.

81-  Kailanman ay hindi ako naipit o nabigo, kundi natakot lamang.
82-  Mag-isip nang bahagya, subalit mabuhay nang higit at puno ng kasiglahan.
83-  Ang aking mga bagabag ay hadlang sa pagiging malikhain ko.
84-  Ang pagkasuklam ay laging ikinukubli ang aking mga regalo.
85-  Ang mga pangangatwiran ay mahapding pagkurot sa dating mga sugat.
86-  Kung may hilahil ako, isang paanyaya ito na kailangan kong magbago.
87-  Kapag lubusan akong napagod, ang kahulugan nito’y mag-iba ako ng paraan.
88-  Sakaliman na may sakit o dinaramdam ako, pagmamahal ang lunas nito.
89-  Kung ako ay buhay, kailangan ko ng tulong ng iba.
90-  Hangga’t itinatago ko ang aking pananalig, naiwawaglit ko ang aking sarili.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!

Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 



No comments:

Post a Comment