Sunday, November 27, 2016

Lahat ay Konektado

Kahit na pinakamaliit o hindi gaanong mahalagang mga bagay ay kailangang gawin, sapagkat bawat bagay sa daigdig ay magkakaugnay. Ang unang hakbang ay sinusundan ng marami pang hakbang kung nais na may mapuntahan. Kung hindi sisimulan walang makikitang katapusan. Mula sa maliit na paggawa ito ay lumalaki. Hindi mahalaga kung mabagal o mabilis ang mga paghakbang hanggat patuloy na naglalakad ay makakarating din.
   Tanggapin natin ang katotohanan na ang Nakaraan, ang Kasalukuyan, at Hinaharap ay magkakonektado.

61-  Italaga na mabuhay na maligaya anuman ang mangyari.
62-  Ang pangatawanan at idrama ang aking mga ideya.
63-  Ang pagbabago ay magaganap---kapag pinaniwalaan ko ito.
64-  Anumang pinipilit kong supilin, ay aking winawasak.
65-  Ang pagtitiwala lamang ang makapagbabago sa lahat ng bagay.
66-  Ang nakaraang mga pagtatanggol ay mga balakid sa aking pagtatagumpay.
67-  Kapag sinimulan kong humakbang, ang tulay ay kusang lilitaw.
68-  Ano pa ba ang aking hinihintay?
69-  Walang maligayang tao na sakdal o laging perpekto.
70-  Nakakapinsala ang may matigas na katwiran.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan


No comments:

Post a Comment