Sunday, November 27, 2016

Linangin ang Sarili

Kailangan muna nating tanggapin ang isang bagay bago natin masimulang baguhin ito. Kung lagi ang nakikita natin ay kalaban o isang negatibong asal, wala na tayong magagawa pa na pagtuunan ng pansin ang kabutihang mapupulot mula dito.
   Sa pagdampot sa dulo ng isang patpat, naisin mo man o hindi, ang kabilang dulo ay kasamang lagi. lahat ng bagay ay may positibo at negatibo at kasama na rin dito ang neutral. May kanan, may kaliwa, at may gitna.

21-  Ang samantalahin ang ginto sa mga ginintuang hangarin.
22-  Pahapyaw na tawagin ang pagkakamali ng iba.
23-  Iwasan ang palaging pagtitig sa salamin.
24-  Gampanan sa iba ang anuman na hindi nila makaya sa kanilang sarili.
25-  Bilangin ang aking mga pagpapala--sa halip na mga bagabag.
26-  Huwag mahumaling at manggaya ng katauhan ng iba.
27-  Alamin, gampanan, at ipaalam ang mga katotohanan.
28-  Kapag mabuti, simulan na at gawing ugali ko ito.
29-  Linisin at palinawin ang aking tunay na katauhan.
30-  Mag-ingat sa paggamit ng nakakamatay na mga pangungusap.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!


Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 
 




No comments:

Post a Comment