Sunday, November 27, 2016

Gawing Makabuluhan ang Bawat Pagkilos

Kailangan ang ating partipasyon upang tahasang maganap ang ating buhay. Hindi kusang nagaganap ang tadhana kundi ginagawa. Kaisa natin ang sansinukob, bahagi tayo nito mula sa ating panloob at maging sa panlabas. Anuman ang nakapaligid sa atin ay binibigyan tayo ng mga tanda at pagpansin na alamin ang estado ng kalagayan natin. 
   Pinakamainam na paligiran natin ang ating mga sarili ng mga bagay na nais nating makamtan sa ating  buhay at manatiling gising sa ating pagkatao. 

11 Ang matamo ang paggalang ng mga matatalinong tao at pagkagiliw ng mga bata.
12-  Mapasaakin ang anumang aking naisin.
13-  Walang namamagitan sa akin kundi ang aking iniisip.
14-  Ang ipaubaya ang papuri sa iba.
15-  Ang laging ngumiti at mamilaylay sa aking mga labi ang kaluwalhatian.
16.  Na huwag manghinayang sa natapon at nakaraan.
17.  Ang makipag-usap sa iba para sa kapakanan nito upang maintindihan ako.
18-  Ang gawin at ipagkaloob ang lahat sa abot ng aking makakaya.
19-  Ibahagi ang magagandang bagay sa mga kadaupang palad ko.
20-  Sa aking pagkilos, magni-ningning at maglalagablab ako.

Mabuhay nang may inspirasyon magmula ngayon!

Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
 


No comments:

Post a Comment