Isaayos ang mga
bagay na may makabuluhang kakahinatnan.
“Doon sa mga sumusunod sa kawastuan at kaawaan ay
matatagpuan ang buhay, katumpakan at kadakilaan.” Mga
Kawikaan 21:21
Ang tahakin ang landas ng pananalig ay hindi madali
at maayos. Sa katotohanan, batbat ito ng mga balakid at mga pagsukò. Ang mga
pakikibaka at kaakibat nitong mga suliranin na susuungin ay sadyang napakahirap
at nakapagpapahina ng kalooban. Kailangan lamang na tratuhin ang mga yugyog at
untog nito bilang positibong mga paalaala at pagsubok upang arukin kung tunay at dalisay ang
nasa iyong puso.
Ang
pananalig ay pagsasaayos ng mga bagay na umaalipin at naglalayo sa iyo sa
liwanag, ay kailangang mawakasan na. Hanggat patuloy na nakapikit ang iyong mga
mata at matigas na ipinaglalaban ang iyong mga maling paniniwala sa tunay na
kahulugan ng buhay, patuloy din ang kapangyarihan ng kadiliman sa pagbulag sa
iyo para alipinin ka habang-buhay.
Huwag
matakot at maligalig sa mga yugyog at untog sa buhay, bahagi ito ng patuloy na
paggising sa iyo para magbago at tahakin ang tamang landas na nakalaan para sa
iyo.
No comments:
Post a Comment