Kung nais mo ng kaibigan, maging palakaibigan ka.
Pinipili ang mga kaibigan: Nasa inyong
pagsasama makilala kung patungo sa kaunlaran o kalayawan ang inyong tinutungo.
May ibat-ibang uri at antas, karunungan, at mga gawain sila, ngunit may
kanya-kanyang kahusayan sa kanilang mga piniling larangan. Sila ang mga walang
kapaguran at satispaksiyon kundi ang gawin ang lahat ng kanilang mga makakaya.
Walang pagkatakot na makagawa ng mali o mabigo, kahit hindi kilalanin ang
kanilang mga ambag sa lipunan ay patuloy pa rin sa paglikha tungo sa kaunlaran
ng sambayanan.
May nagpahayag: “Sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan at sasabihin ko sa iyo
kung sino ka.” Naisin mo man o hindi, kapag laging ang mga kasama mo ay mga
ibong pipit, kahit na agila ka at pilitin mo na maging hari sa himpapawid, ang
makakaya mo lamang na ikampay sa iyong bagwis ay lumipad na tulad ng isang ibong
pipit.
No comments:
Post a Comment