Ang Kagawián ng
Mabubuti at ang Katapusan ng Masasamà ang siyang nagtatalagà ng sariling tadhanà.
1 Ang pinagpala ay ang
tao
na hindi lumalakad sa payò ng masasamà
o ni tumatayo sa landas ng mga
makasalanan,
o ni umuupo man sa luklukán ng mga
mapanuyà;
2 Bagkus ang kanyang kagalakan ay nasa kautusan
ng Panginoon,
at ang Kanyang mga kautusan ay
pinaglilimi niya sa araw at gabi,
3 Siya ay maihahalintulad sa isang punongkahoy
na itinanim sa tabi ng mga agusan ng
tubig,
na nagdudulot ng kanyang mga bunga sa
kanyang kapanahunan,
ang kanyang dahon nama’y hindi nalalanta;
sa
lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay siya.
4 Ang mga masasama ay hindi gayon,
kundi
sila ay kawangis ng mga ipa na itinataboy palayo ng hangin,
5 Kaya nga ang masasama ay hindi makakatindig
sa kahatulan,
at maging ang mga makasalanan sa
kapulungan ng mga mabubuti;
6 Sapagkat ang Panginoon ay nababatid ang
kagawian ng mga mabubuti,
ngunit ang kagawian ng mga masasama ay
mapupuksa.
Mga Awit 1: 1-6
-------------------------------------------------------------------------------------
Inilalarawan dito na
kung “Ano
ang iyong itinanim, ay siya mo ding aanihin.” Walang bayabas na
nagbunga ng saging. Kung ano ang iyong inihasik ay iyo ding makakamit. Sa bawat
hintuturong itinutok, tatlong daliri ang kapalit na ibinabalik. Anuman ang
iyong mga kagawian at kinahuhumalingan ay ito ang tuwirang magaganap sa iyong
buhay. Kung patuloy mong kadaupang-palad sa araw-araw ay kabutihan o maging
masama man, isa sa mga ito ang iyong tahasang kakahinatnan. Hanggat kaulayaw mo
ang ugaling ito, pati na ang mga tao na may ugali ding katulad nito, ang kanilang
mga pananalita, pati na mga pagkilos, at mga kapasiyahang sinusunod ay iyong
pamamarisan. Ito ay nasusulat at siyang magaganap.
Makikilala ang pagkatao
ng sinuman sa mga bunga ng kanyang mga kapasiyahan. At dito matutunghayan kung
nakakabuti o nakakasama ang mga ito. Sa
bandang huli, dito nakasalalay ang kahatulan kung may pagpapalang nakalaan,
o karampatang pagpuksa doon sa may gawa. Ang panukat na ginawa ay siya ding
panukat na igagawad. Kung buong katapatan mong hinahangad at tahasan ding nais
makatiyak na ikaw ay patuloy na pinagpapala upang maging maligaya sa tuwina,
isakatuparan ang Kautasan ng Panginoon.
Matalinong anak ang tumutupad sa kautusan, ngunit ang kasama ng matatakaw,
sa kanyang ama ay kahihiyan. Mga Kawikaan 28: 7
No comments:
Post a Comment