Kapag may ligalig, ay may pagbabago na kailangang isaayos.
Ikaw ang may-akdà sa istoryá ng iyong buhay at tanging IKAW (Isang-isa, Katangi-tangi, Angkop, at Wagas) lamang ang may hawak ng panulat upang ito ay magkatotoó. Ikaw ang kapitán ng iyong barko. Ikaw ang tsuper ng iyong behikulo (ang iyong katawan). At ikaw ang maestro ng iyong tadhanà. Lahat ng bagay na nagaganap sa iyong buhay ay ikaw ang pumipili at naggagawad ng mga kapasiyahan. Kung anuman ang naging kalagayan mo sa ngayon, ikaw ang lumikha nito at wala kang dapat na sisihin. Lahat ng mga ito ay hindi mangyayari kung hindi mo pinahintulután.
Kung
nais mo ng pagbabago upang makaahon sa iyong kalagayan sa ngayon, simulan
na maging malinaw at may katiyakan kung ano ang iyong talagang nais
sa buhay, saang
direksiyon mo nais na pumunta, at anong mga mahalagang bagay at mga
pagkilos ang kailangan mong isagawa upang ito ay tahasang maganáp. Ang iyong
mga kaisipan, mga pananalita, at mga aksiyon ay kailangang magkakatugmà at
sumusuporta sa iyong tunay na mga ninanasà.
Ang kaisipang inihanda mo ang siyang magdedetermina sa susunod mong
hakbang.
No comments:
Post a Comment