Hindi
pinag-uusapan ang mga problema, kundi ginagawan ito ng mga solusyon
para malunasan.
Hindi natin maiiwasan ang mga problema sa buhay
kundi ang harapin ang mga ito at solusyunan. Hangga’t ipinagwawalang-bahala
natin ang mga ito, patuloy itong lumalaki at nagiging malala hanggang mauwi sa kapahamakan. Higit na mainam ang madaliang pagharap sa mga ito bago mahuli ang lahat.
Tanggapin
natin ang katotohanan na bahagi tayo sa pagkakamali kung bakit nagkaroon ng
problema. Tanggapin ang ating responsibilidad sa problema bago natin ito
malunasan. Hindi magagawang lunasan ang isang problema sa pagsasabi na, “Hindi ko problema ‘yan!” “Wala akong
kinalaman diyan!” “Wala ako, nang mangyari ang problemang iyan!”
Wala tayong
malulunasan kapag umaasa tayo at naghihintay na may gagawa ng solusyon para sa
atin. Makakagawa lamang tayo ng solusyon kapag nanindigan tayo na, “Ang problemang ito ay isang paghamon sa
aking kakayahan at aking responsibilidad na solusyunan. Kung hindi ako kikilos,
walang kikilos para ito malunasan.”
Bakit nga Ba?
Hindi dahil
sa mahirap magawa ang mga bagay kung bakit ayaw nating pangahasan na gawin ang
mga ito; kundi dahil sa ayaw nating mangahas at simulan kaagad ito, kaya
nagiging mahirap at umiiwas tayo.
No comments:
Post a Comment