Kung minsan kailangan nating balikan ang mga kawikaan na gumigising sa atin. Katulad ng pagrerepaso sa sasalihang eksamin, kailangan ang mga pamantayan para maging malinaw ang pagtahak sa tamang landas. Narito ang ilang tagubilin na walang pagkupas sa panahon:
Kapag ikaw ay yumao na, hanapin ang iyong himlayan
hindi sa mundong ito, kundi sa mga puso ng mga tao.
Pag-aralan
na maging tahimik. Hayaan ang katahimikan ng iyong isipan ay makinig at tahasang
makamit ang kawatasan ng mga sandali.
Lahat ng
mga kapighatian ng tao ay nagmumula sa walang kakayahan na umupo nang tahimik
na nag-iisa sa silid at magnilay-nilay ng tamang mga prioridad sa buhay
Ang tunay
ng mga pinuno ay bihirang makilala ng kanilang mga tagasunod. Sumusunod dito ang uri ng mga pinuno na kilala at hinahangaan. Matapos ito ay ang mga pinuno naman na
kinakatakutan; at kasunod nito, ang uri ng mga mga pinuno na kinamumuhian ng balana.
Kung wala
kang pagtitiwala, wala kang makukuhang pagtitiwala. At lalo naman kung wala kang pagpapahalaga sa iba, maka-aasa ka na sinuman ay hindi ka pahahalagahan.
Kapag ang
gawain ay natapos nang mahusay ang pagkakagawa, nang walang bahid ng pagmamalaki at
pagyayabang, ang mga ordinaryong tao ay bumibigkas, “Oy, kami ang gumawa nito!”
Huwag
magnasa at gawing mabilisan ang mga bagay. Huwag tumingin sa maliliit na
kapakinabangan. Ang hangarin na makamit ang mga bagay nang madali ay siyang
pumipigil upang mahusay itong matapos. Kapag nakatuon sa maliliit na
kapakinabangan, pinipigilan nito ang mga dakilang oportunidad na mapagtagumpayan.
Ang mga tao
ay naliligalig hindi ng mga bagay na nagyayari, kundi nang kanilang mga opinyon
sa mga bagay na nangyari at mangyayari.
Ang
pinaka-mapanganib na sitwasyon sa karamihan sa atin ay hindi ang ating hangarin ay matayog
kung bakit hindi natin ito makamit, kundi napakababa nito kaya natin nakakamit.
Hangga’t
hindi kayo nag-iiba at maging katulad ng mga paslit, hindi kayo makakapasok sa
Kaharian ng Kaluwalhatian.
No comments:
Post a Comment