Laging isipin na ang iyong pagkakalitaw sa mundong
ito ay hindi upang magtanong kung bakit ito nangyari, kundi ang sumagot nang bakit
nga ba hindi!
Tanungin ang
sarili:
Kailan ko ba makakamtan na ako ay matagumpay na?
Kailan ko ba madarama na ako ay ekstra-ordinaryo o
mahalagang tao?
Anuman ang
iyong maging kasagutan sa mga ito, mapapansin na kaakibat ito ng paglilingkod
sa iyong kapwa, pagmamalasakit sa kalikasan at kapaligiran, at pananalig sa Maykapal.
Maglaan ng
panahon na isulat ang mga aktibidad sa iyong buhay na kung saan nadarama mo ang
iyong ispirito o inspirasyon. Huwag itong hatulan bilang karampot at walang
halaga. Kahit na nakikipaglaro lamang sa mga bata, nagdidilig ng halaman,
naglilinis ng bakuran, nagluluto sa kusina, kumakanta sa karaoke,
nagmumuni-muni, o simpleng nagsusulat sa kuwaderno ng iyong mga aktibidad.
Lahat ng mga ito ay nagtatakda ng iyong kapalaran.
Gamitin ang
imbentaryo nito para makita sa iyong kapiligiran kung sino ang mga gumagawa at
ikinabubuhay ang mga ito. Kung ano ang mahalaga sa iyo at sadyang nahuhumaling
kang gampanan, at naging libangan mo na. Ito ang iyong simulan. Ang kikitain mo mula
dito o pasahod na makukuha ay bonus
na lamang.
Sapagkat
kung wala kang pagmamahal sa iyong trabaho, tuwing umaga, mistula kang alipin
na kinakaladkad ang iyong mga paa para lamang gampanan ang iyong tungkulin.
Subalit kung nalilibang ka at sadyang kinagigiliwan mo ang napili mong trabaho,
kahit hindi ka bayaran, gagawin mo pa rin ito.
No comments:
Post a Comment