Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
-Gat Andres Bonifaciosa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Mula sa Batanes ng Hilagang Luzon hanggang sa Sulu ng Katimugang Mindanaw, bata at matanda ay nakapagsasalita na ng ating sariling wikang Pilipino. Bagama't ito'y hango sa Tagalog, marami na ang naidagdag mula sa iba't-ibang wika ng ating kapuluan. Sa pagsasanib ng ating mga katutubong wika, mapapabilis natin ang pag-unlad at paglaganap ng tunay na sariling wika natin. Taas noo nating mahaharap sinuman, kailanman, at saan mang mga ugnayan at mga talakayan.
At bukas po ang pintuan dito sa inyong mga ambag kabatiran. Magtulungan po tayo.
Isang karangalan at ibayong pagtitiwala sa iyong sarili, bilang tunay na Pilipino ang may kabatiran ka at matatas sa sariling wikang Pilipino.
Ito ang isa sa aking mga layunin sa blog na ito ng wagasmalaya.blogspot.com
Ang mabalikan at matutuhan nating muli ang ating sariling wikang Pilipino. Marami na sa ating mga kataga ang hindi na ginagamit sa pangungusap. Pawang Taglish at Englog na lamang na pinaghalo ang namamayani ngayon sa telebisyon, radyo, at mga pahayagan. Mistulang pinipilit na tambakan ng katakot-takot na klorete ang ating mukha na tulad ng isang rebulto. Marami ang hindi nakakaalam na isang uri ng pagkitil ito upang tuluyan nang mawala ang ating pagkakilala sa ating mga sarili, at mangahulugan ng pagkakawatak sa isa't isa. Ang bayang walang pagmamasalakit sa sariling wika, mga sining, at mga kultura ay walang dangal at pagkakakilanlan. Walang anino at pinanggalingan, putok sa buho at palaging nakikisakay sa mga banyagang kultura. Amoyong ang taguri dito at palasak naman ang timawa. Dahil walang personalidad na matatawag na sariling kanya. Nasabi lamang daw silang mga Pilipino.
Kapag Amerikano o alinmang banyaga ang kausap ko, English ang gamit ko, subalit kung Pilipino, tahasan na wikang Pilipino ang buong puso kong binibigkas. Sapagkat kapag ako'y nangungusap, kasama ko ang aking mga ninuno at mga bayaning naghandog ng buhay upang magkaroon ng isang bansang Pilipinas. Ipinagmamalaki ko ito at ipinapakita sa gawa.
Kapag Amerikano o alinmang banyaga ang kausap ko, English ang gamit ko, subalit kung Pilipino, tahasan na wikang Pilipino ang buong puso kong binibigkas. Sapagkat kapag ako'y nangungusap, kasama ko ang aking mga ninuno at mga bayaning naghandog ng buhay upang magkaroon ng isang bansang Pilipinas. Ipinagmamalaki ko ito at ipinapakita sa gawa.
Nagpapasalamat ang AKO, tunay na Pilipino sa kanila, sapagkat sa kanilang kamusmusan sa kabatirang Pilipino ay sumulpot at pumailanlang ang blog na ito sa internet. At buong giliw na nagpupugay sa lahat ng ating mga kababayan na nagnanais magbalik-tanaw sa ating mga tradisyon, mga kultura, mga sining at mga kaugaliang tunay na Pilipino.
"Bawa't mamamayang Pilipino ay kailangang magpasiya sa kanyang sarili kung ano ang tama at mali, kung ano ang makabayan at makabanyaga. Hindi niya maiiwasan at takbuhan ang kanyang pagka-Pilipino, gaano mang pagpupumilit na makisanib siya sa anumang banyagang kultura---mananatili pa rin ang kanyang pagiging Pilipino. Ang nakapanlulumo; kapag nagpasiya at nakiayon na lamang siya, laban sa kanyang mga prinsipyo at pagpapahalaga sa kanyang lahi. Ito ay isang hindi makatarungan at tahasang pag-traydor, para sa kanyang sarili at sa kanyang Inang-Bayan. Nararapat lamang na ituring siyang walang anino at mabahong pusali."
-sinipi mula sa Timbulan, Hulyo 21, 2007
Makibahagi po tayo, laging sumubaybay, at makipagtulungan na mapalaganap ang ating mga katutubong pagkakakilanlan kung sino tayo, saan nanggaling, anong lahi, kaisipan, wika, at bansa.
Tayong lahat ay IsangPilipino!
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment