Sunday, January 24, 2021
Ang Pangarap at Pag-asa ay Magpinsang-buo
Praktikal na Solusyon ang Sentido Komon
Sunday, January 03, 2021
Wednesday, December 30, 2020
Hubad na Pangarap
Isang umaga, sa may aplaya ng bayan ng Bagak, sa Bataan, nakaupo si Doming sa kanyang bangka, nagpapahinga at pinagmamasdan ang bukang-liwayway. Habang pinupunasan ang pawis sa noo ay napapangiti ito sa nahuli niyang maraming isda. Tuwang-tuwa naman ang kanyang asawang si Trining habang inilalagay ang mga isda sa kanyang kalya upang dalhin na sa palengke at ipagbili. Nang makaalis na ang asawa, sumandal sa bangka si Doming upang makaidlip nang ilang sandali. Hindi pa niya naitatakip ang sambalillong buli sa kanyang mukha nang gulantangin siya ng boses ng isang lalaki.
saloobin, dinarama n. attitude, feeling
Maging Mapanuri sa Lahat ng Bagay
Tanggapin kung Sino Ka man
Naawang muli ang salamangkero at ginawa naman siyang aso. Tuwang-tuwa ang daga, ngayong aso na siya ay malilibot niya ang malaking bakuran, ang bulong nito sa sarili. Habang namamasyal dito ay natanaw niya ang kakahuyan sa labas ng bakuran. Nahalina siya sa luntiang kapaligiran nito. Madali itong lumabas ng bakod at nilibot ang bawat maibigan na tanawin. Subalit may narinig siyang kakaibang ungol sa di-kalayuang halamanan. Isang malaking tigre na may matutulis na pangil ang humahagibis na patungo sa kanya. Nakadama siya ng ibayong panganib, at sa isang iglap ay kumaripas ng takbo pabalik sa loob ng bakuran. Habang tumatakas, kahol ito ng kahol sa paghingi ng saklolo sa salamangkero.
Nakababaliw ang Salapi
Mawawalang kabuluhan ang anumang iyong pagpupunyagi, tagumpay, at nalikhang yaman, kung ang lahat ng mga ito ay nagmula sa masamang kaparaanan. Ang kayamanan na nanggaling sa kasamaan ay walang magandang patutunguhan; walang karangalan, kasiraan ng angkan, at pagsasalaula lamang ng buhay. Ang kasiyahang makukuha sa masamang dahilan ay panandalian lamang at hindi ikaliligaya sa habang buhay. Subalit ang batik na nilikha nito sa iyong pagkatao ay mananatili sa maraming panahon, at anumang pagnanais mo na manumbalik ang dating pagtitiwala ng iyong kapwa ay daraan sa butas ng karayom at masusing pagsubok. At ito'y kung papahintulutan lamang ng mga pinagsamantalahan mo. Anumang sugat, maghilom man ay may maiiwanang peklat. Ito ang katotohanan.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Ang Kaligayahan ay Nasa Iyo
Ikaw ang Ugali Mo
Nasa Pagkilos ang Buhay na Maayos
Kaligayahan o Kapighatian?
Huwag Tumingin Lamang
Ang LUNGGATI (goal) ay isang mabisang layunin, adhikain, at direksiyon. Kung wala ito sa puso ng sinuman, makakatiyak tayo na wala siyang makabuluhan na patutunguhan. Bilang tao, may dalawang mahalaga tayong kapangyarihang tinataglay; ang PUMILI, at piliin ang TAMA. Marami ang nakakalimot o natutulog sa bagay na ito. Nananatiling nakaidlip at mistulang mga robot na kumikilos sa maghapon. Mekanikal na buhay ang tulad nito at nakapanghi-hinayang kung ipagpapatuloy. Bakit po? Sapagkat dito nakasalalay ang ating magiging destinasyon o kapalaran. Maging MAPILI po tayo sa ating pamumuhay.
Madalas kong binabanggit ito sa mga talakayan o maging sa simpleng usapan. “Di ba kaya ka naghahanapbuhay dahil kailangan mo ang pera? Lahat tayo ay nangangailangan nito, sapagkat kung wala tayong pera, lahat na ng mga problema ay lagi nating kasama. Hindi tayo makakakilos, mabubuhay, at magiging masaya kung wala tayong pera. Subalit bihira o iilan lamang sa atin ang nakakaalam; “Ano ba ang mayroon sa pera at lahat tayo ay nakatingin dito at pinakamimithi natin subalit hindi natin maabut-abot o mapasakamay nang tuluyan?” Laging mailap at lagi nating hinahanap at nais na mahawakan nang walang hanggan.
Simpleng katanungan lang po, ito ay tungkol sa pera; Simulan natin sa baryang (coin) piso. Sino ang bayaning nasa piso? May ilang sandali bago sumagot ang marami, “Eh, di si Rizal.” Pangalawang tanong, “Saan nakatingin, sa kanan o kaliwa?” Walang makatiyak ng tamang sagot. Nagtatalo.” Pangatlong tanong, “May bigote ba o wala?” Walang makasagot, laging may alinlangan.
Piso lamang po ito na lagi nating hawak sa araw-araw. Papaano kung ang tanong ay, “Sinong Pangulo ang nasa dalawampung piso (P20.00) na papel? “Sino ang nasa limampung piso?” “Sino ang nasa isandaang piso?” Papaano kung ang tanong naman ay pang-ilan sila bilang mga Pangulo?” Wala pong makasagot sa mga katanungang ito, kung mayroon man, may pag-aalinlangan, patama-tama at walang katiyakan.
Ganito din po sa buhay, marami sa atin ang de robot at walang katiyakan ang direksiyon ng pamumuhay. Kaya nga may mahirap, naghihirap, at lugmok na sa hirap. Subalit mayroon namang mayaman, yumayaman, at sadyang nagpapayaman. Ano ang kaibahan sa pagitan ng Mayaman at Mahirap.? Kung sino ang may pagpapahalaga sa pera. Ito ang katotohanan: Ang Mahirap ay galante at waldas sa pera. Laging kinakapos at lubog sa utang. Ang Mayaman ay kuripot at nag-iipon ng pera. Laging may pera at natutugunan ang mga pangangailangan sa buhay. Pasyalan po natin ang kanilang mga kabahayan. Lantaran po nating makikita ang malaking pagkakaiba. Bayan, kayo na po ang magpasiya.
Sadyang KAILANGAN natin ang TUMITIG kaysa TUMINGIN. Sa pagtitig, nakapukos po tayo. Sa pagtingin, nakahawak lang po tayo at di pinapansin. Ang nakatingin, walang iniisip. Subalit ang nakatitig, nag-iisip. Ganito din po tayo sa ating mga relasyon; laging may akala, sana at baka sakali ang bukambibig, may haka-haka, seguro, marahil, duda at alinlangan. “Bahala na ang katwiran.” Laging nasa huli ang pagsisisi. Simpleng-simple lang po “TUMITIG” anuman ang nasa inyong harapan.























