Saturday, August 25, 2018
Mapinsalang mga Parunggit
Naritong muli ang isa pang karagdagan ng ating mga Parunggit. Tungkol ito sa mga kalagayan at mga pag-uugaling nakasanayan at naging maling katangian ng ilan nating kababayan. Sana naman ay mabago na ito. Hindi pa huli ang lahat.
1. Kalatog-pinggan -walang makain, naghihirap, maralita
2. Lulubog-lilitaw -walang katiyakan ang pakikiharap, pasulpot-sulpot, hindi maaasahan
3. Amoy-pusali -mabaho, maruming-marumi, salaula
4. Saksak sa likod -kaaway na lihim, taksil, mapagkanulo
5. Patay-patay -hindi maaasahan, mahina ang loob, pukpukin, laging nakatulala
6. Isang-kahig, isang tuka -walang tiyak na gawain, patama-tama, kumikilos lang kapag nagugutom
7. Laking-bundok -walang pinag-aralan, babantayan, kailangang turuan,
8. Pasang-krus -pabigat, mahirap kasamahin, dalahin sa buhay
9. Pupuwit-puwit -nahihiya at hindi makaharap, laging nakadikit at susunod-sunod, amoyong
10. Pakitang-tao -mapagkunwari, balatkayo, balimbing, may maskara na kaiba sa tunay na mukha
11. Sala sa lamig, sala sa init -walang katiyakang pag-uugali, pabago-bago ng isip
12. Nasa loob ang kulo -tahimik subalit mapanganib, biglang umaagsaw, bugnutin
13. Makitid ang isip -mahirap umunawa, pinid na pag-uugali, ayaw maturuan
14. Pabalat-bunga -pakitang-tao, mapagkunwari, may pinagtatakpan, mandaraya
15. Kuskos-balungos -paladaing, nanghihingi na pansinin, maraming hinihiling
Labels:
Balangkas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment