Tanikala ng Bilangguang Walang Rehas
Ang balatkayong pamumuhay ay isang hungkag na buhay; ang simple
at karaniwang pamumuhay ay isang mapayapang buhay.
Marami ang hindi nakakaalam at kung alam naman ay hindi
nakahanda sa mga patibong na nagkalat sa paligid. Nagugulat na lamang sila kung
bakit napatali sa isang relasyon na hindi inaasahan, sa trabahong hindi naman pinangarap,
sa usapin na kinasangkutan nang wala namang kinalaman, at sa buhay na pawang
pagkukunwari, sa mga pretensiyon at sa mga ipokritong asal na nagpapahamak. Gayong
madalas na may nagbubulong, ano ang nararapat gawin, at papaano magagawa ito. Mahirap
ang magsinungaling kapag budhi na ang humihiyaw. Lalo na ang magpanggap ng
isang pagkatao na hindi naman ikaw.
Huwag
piliting manggaya at tumulad sa iba, isa kang pambihira at hindi isang
kopya. Kailanman ay hindi mo mailalabas ang nakatago mong potensiyal upang makarating
sa iyong patutunguhan. Hindi mo magagawa ito. Sa dahilang gaano man kalaki ang
natanggap mo, o maging mataas na posisyon ang nahawakan mo, ganito ding
sakripisyo ang isusukli mo. Subalit lahat ng ito ay mapapasaiyo kung gagamitin
mo sa kagalingang panlahat. Ang intensiyon mo ang namamatnubay at
nagdedetermina ng mga resuta nito. Simulan at ang lahat ay madali na lamang.
Doon sa mahilig sumunod at gumaya sa
iba, lagi silang naliligaw ng landas.
No comments:
Post a Comment