Mga produkto tayo ng ating nakaraan, ngunit hindi kailangan
na
maging bilanggo tayo nito.
Ang layunin sa bawat hakbang at mga kabanata na nagaganap sa ating buhay ay ang maunawaan na nililikha nito na kasama ang Ultimong
Tagalikha. Kung wala kang kabatiran tungkol sa bagay na ito, inilalagay mo
lamang ang iyong sarili sa isang kahapis-hapis at nakakaawang kalagayan. Kapag sa
sarili mo lamang ikaw laging nakatuon, patuloy kang nakikipagsapalaran anuman
ang maging kahinatnan nito. Natanggap ko na hindi ko ito makakaya na magawang
mag-isa. Hindi ako makakaligtas sa mundong ito kung ang sarili ko lamang ang
paniniwalaan ko. Wala akong sapat na kakayahan na gampanan ito. Wala akong
kapangyarihan na magawa ito, Kahit sinuman ay walang kapangyarihan na makagawa nito.
Sino
sa atin ang may kapangyarihan na piliin ang kanyang magiging mga magulang?
Papaano mo magagawa o mapipigil man lamang
ang punlay na nanggaling sa iyong ama at pumisa sa itlog ng iyong ina upang lumitaw
ka sa mundong ito? Hindi ba isang
malaking kababalaghan ito?
Napakaraming mga pagpili at mga kapasiyahan ang mga nagdaan at pinagtagpo ang
lahat ng mga kaganapan, para lalangin ka at narito sa mundong ito, ngayon. Ito
ay himala at isang pagbubunyi.
Kapag
kinikilala mo ang misteryo ng paglalang, lahat ng mga kaganapan sa
pinagmulan nito, saliksikin mo man nang maraming ulit at piliting maunawaan
para mabatid ang lahat ng mga ito, pawang mga katanungan lamang ang tanging
maiiwan na walang mga kasagutan. Kailangan na malaman mo ito, ang katunayan na narito
ako at humihinga pa, ang siyang mahalaga. Ikaw na nariyan na ang siyang
mahalaga. Lahat tayo, ...ngayon, sa mga sandaling ito, ang mahalaga.
Walang
bagay sa aking buhay ang naganap dahil sa suwerte o kapalaran, wala. Anuman ang mayroon ako, ito ay
nanggaling sa biyaya at pagpapala, karamihan ay mula sa banal na kaganapan.
Hindi ako naniniwala sa suwerte. Sa ganang akin, ang suwerte ay isang
preparasyon para masunggaban ang oportunidad kapag tinukso ka nito. Magiging
mapalad ka kung ikaw ay nakahanda sa anumang oportunidad na dumarating sa iyo.
Hindi mo magagawang tuparin ang
iyong layunin kung lagi kang nakatuon sa pagpaplano.
No comments:
Post a Comment