Wednesday, November 29, 2017

Mga Sulyap at Pukaw sa Pagtanda

GULANG/Pagtanda
---Hindi ang bilang ng mga taon o gulang ang naghihiwalay sa mga kabataan at matatanda, bagkus ang responsibilidad.

---Gumulang ka sa araw na nakamit mo ang unang tunay na pagtawa . . , -nang tawanan mo ang iyong sarili.

---Bawat may sapat na gulang ay kailangan ang isang bata na matuturuan; ito ang paraan upang ang mga may sapat na gulang ay matuto.

---Ang pagiging matanda ay hindi masama, kung laging malayo sa pagtingin sa salamin.

---Ang katandaan ay hindi bagay na walang hanggan. May mga araw na tumatanda, at mayroon ding mga araw na nagiging batang muli.

---Sa patuloy nating pagtanda, ang panahon ay pinalilibutan tayo ng mga taong nagmamahal sa atin, kaysa mga taong minamahal natin.

---Maraming tao ang nagdarasal para sa mahabang buhay, subalit hindi nila nais ang tumanda.

---Ang tanggihan ang pagtanda ay hindi mapapasubaliang patunay nang pagiging bata.

---Ang mga bata ay nalalaman ang mga kautusan, ngunit ang matatanda ay nalalaman ang mga dapat iwasan.

---Sinuman na palaging umaasa sa pagtanda ay nananatiling bata.

---Ang matatanda ay naniniwala sa lahat ng bagay; ang may mga sapat na gulang ay naghihinala sa lahat ng bagay; ang mga kabataan ay nalalaman ang lahat ng bagay.

---Ang mga kabataan ay iniisip na ang matatanda ay mga hangal, subalit ang matatanda ay iniisip ang mga kabataan ang siyang mga hangal.

---Ang tao ay hindi pa matanda hangga’t hindi pa napapalitan ng mga pagsisisi ang kanyang mga pangarap.

---Ang pagtigas ng puso ang nagpapabilis ng pagtanda sa isang tao, kaysa sa pagtigas ng kanyang mga ugat.

---Masusukat ang katandaan ng isang tao sa nararamdaman niyang hapdi kapag nahaharap siya sa isang problema.

---Ang lalaki ay kasing tanda lamang kung ano ang kanyang nadarama. Ang babae ay kasing tanda naman ng kanyang nakikita sa sarili.

---Ang pagtanda ay hindi isang nakakahigit na maling ugali na ang abalang tao ay may panahong harapin.

---Ang tiyak na patunay ng katandaan ay kung naririnig ang mga lagutok ng litid sa umaga at hindi ito mula pagkulo ng nilulutong lugaw.

---Walang sinuman na may sapat na katandaan ang higit na nakakaalam.

---Hindi kung papaano ikaw ay tumatanda, bagkus kung papaano ang iyong ginagawang pagtanda.

---Madali ang maging tao, subalit mahirap magpakatao. Sa pagtanda, madali lamang ito. Ang mahirap ano ba ang natandaan mo?

---Ang mabisang paraan lamang ay ang tumanda nang hindi ka tumatanda.

---Ang pinakamainam lamang sa pagtanda ay ang lahat na nais mong makamtan noong ikaw ay bata pa, ay hindi mo na kailangan.

---Kapag nasa publikong sasakyan at may nagpaupo sa iyo, tanggapin nang maluwag sa iyong puso ang haplit ng katandaan.

Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

No comments:

Post a Comment