AKO, tunay na Pilipino
AKO, tunay na Pilipino,
nananalaytay sa aking mga ugat ang diwang kayumanggi, sa kaibuturan ng
aking puso, kaisipan, at kaluluwa, ay taga- pagpatuloy ng magiting
at makulay kong kasaysayan noon, ngayon, at magpakailanman. Masikhay
kong tinutupad ang aking likas na tungkulin alang-alang sa kapakanan ng
aking Inang-bayan. Laging akong handa na ipagtanggol ang aking lahi
at pamayanan nito sa anumang kapahamakan, kalapastangan, at
kapighatian.
Ako ay wagas na mapagmahal, dumaramay, at kapanalig ng mga simulaing nagtataguyod tungo sa malayang pagkakaisa na; makaDiyos, makaPamilya, makaBayan, makaKalikasan, at maKatarungan.
Iisa lamang ang aking nilulunggati at pinakamimithi, ang makita’t
maranasan na maging isang tunay na bansang malaya ang Pilipinas;
demokratiko, maunlad, makatarungan at may bukas na lipunang Pilipino.
Likas ang yaman ng aking bayan, mula sa mapanlikha at mapagtaguyod na
mga kamay ng mga mamamayan nito, sa 7,197 naggagandahang mga pulo na
naglalaman ng mga masaganang lupain, sa mga ilog, lawa, at nakapalibot
nitong mga karagatan na mabiyaya sa isda at kayamanan nito, sa mga
kagubatang nagbibigay-buhay at pangangalakal, sa mga kabundukang
nagtataglay ng mga mineral at yamang-likas, at sa pagiging pangunahing
sentro nito sa Asya at pandaigdigang kaganapan. Karampatan lamang na
tawagin ang aking bansa na, Perlas ng Silangan.
Aking pinahahalagahan at ipinamamalaki ito, saan mang sulok ng daigdig, sinuman ang aking kaharap, at anumang panahon. Kailanman ay hindi ako nangingimi na ipakilala ang aking lahing kayumanggi.
Maraming ng dayuhang banyaga na may kanya-kanyang ideolohiya at
relihiyon ang nabighani nito; Magmula sa Islam ng mga Arabo, Katoliko ng
mga Kastila, Protestante ng mga Amerikano, nasyonalismong pasista ng
mga Hapon, sa mga pansariling kalipunan at pulitikang banyaga ng mga
ito, na nagpasiklab ng himagsikan; mula kay Raha Lapu-lapu sa Mactan, Gat JoseRizal sa Bagumbayan, Gat Andres Bonifacio sa Balintawak, Hen.Gregorio del Pilar sa Pasong Tirad, Hen.Macario Sakay
sa mga kabundukan, at marami pang iba. Patuloy pa ang laban. Hanggat
may mga sakim na dayuhang banyaga at huwad na mga Pilipino na patuloy na
nagsasabwatan at nagpapairal ng buktot at bulok na sistema sa lipunang
Pilipino, ay nag-aalimpuyo ang aking dugo sa ipinunlang binhi ng
kagitingan ng aking mga ninuno. Ang silakbo nito ang siyang nagpapaalab
na, Aking pinahahalagahan at ipinamamalaki ito, saan mang sulok ng daigdig, sinuman ang aking kaharap, at anumang panahon. Kailanman ay hindi ako nangingimi na ipakilala ang aking lahing kayumanggi.
AKO, tunay na PILIPINO
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment