Sunday, November 01, 2015

Malihim na Mister



Ang Mag-asawa na 25 taon nang Nagsasama
Isang araw habang naglilinis si misis sa kanilang kwarto, napansin niya sa ilalim ng kanilang kama ay may isang lumang kahon ng sapatos. "Ano kaya ito?" Ang bulong niya sa sarili.
   Hinila niya ito at binuksan ang takip. At laking gulat niya sa nakita, may laman itong maraming pera at may tatlong itlog pa. Nang bilangin niya ang pera ay umabot ito sa 10 libong piso. "Aba'y may itinatago pala 'tong mister kong ito. Bakit kaya inilihim sa'kin 'to?" A-at, ... bakit may kasama pang tatlong itlog, para 'san kaya ito?"
   Bagamat labis na nagtataka, kalong ang kahon mabilis na sinugod ni misis si mister.
   Dinatnan n'ya itong nagbabasa ng dyaryo sa sala.
    "Asawa ko, para saan ang mga perang ito at bakit may tatlong itlog pa, hah?
     Nabitiwan ni mister ang dyaryo at nanginginig na unti-unting tumayo mula sa inuupan nito. Kinakamot ang kanyang batok. Hindi makatingin ng deretso kay misis.
   "Ah, ehh, teka, kuwan, dodoon, doon 'yan sa bi-bibilhin koh!" Sabay paamo ng mukha si mister na tila santo.
   "Bakit ka namumutla at nauutal ka pa, hah,' Nanlilisik ang mga mata ni misis sa pagtitig kay mister, at nakakimis na ang kanang kamao at iwinawasiwas pa ito, para manuntok na. "Abeerrrr, magsabit ka nanggggg totooooo, matanda kah, kundi, malilintikan ka sa akin, maliwanag bah, hah?"
   Pinagpawisan ng lalong malapot si mister, hindi malaman nito kung uupo o tatayo, ...sa pautal-utal at gumagaralgal na boses ay napapaawang tumugon ito; "Pa-ppasensiya ka nna, dear kko, suss-swerhart koooh, at ilaawww ng buhay kooh, kasi, tu-tungkol 'yan sa pangako sa ssa-sarili ko na kapag ako ay nagkamali, at nagpunta pa sa bar, doon sa, sa mga may kutitap tu-tuwing ga-ggabi, ... naglalagay ako ng itlog, pp-parang pe-penalty o pambayad sa- sa kkasalanan koh sa 'yo giliw koh. ssiyanga palah, Dearrr koh."

  Medyo nalungkot si misis sa narinig."S'yanga? Aba'y hindi masama 'yan, para tumino ka at huwag nang magpunta pa sa bar!" Ang nakapaymewang na sundot ni misis. Sa loob ng 25 taon nating pagsasama, nakatatlong itlog ka lamang. "Teka muna, para saan naman itong pera, at malaking halaga ito, hah?
   "Ahh, 'yan bah? kasih, ...kasih,...' Kinakamot muli ni mister ang batok n'ya. Halos naging unano na ito sa pamimilipit ng isasagot.  'Eh... eh, Kapag nakaipon na akong ng isang dosena, eh, isang tray na ito, ... ay ipinagbibili ko 'jan sa may kanto. Dear kohh. Kka-kaya... nakaipon ako, i-i-irog ko.'  Ayyyy...'susmaryusep... ang misis ko nabuwal!"

   Hindi na nakasagot pa si misis. kkka, kasi po, Hinimatay na ito.
Sundan palagi ang Bungisngis, upang kahit papaano ay pansamantalang makalimot tayo sa mga pangungulit na mga alaala na nagpapalungkot sa atin. Ngumiti nang hindi mapighati. Humalakhak nang magalak. at Mag-Bungisngis nang hindi mainis.
Kuya Jes,
wagasmalaya.blogspot.com

No comments:

Post a Comment