Ang lalim ng pagkakaibigan ay hindi nakadepende sa haba ng pagkakakilala.
Bawat isa sa
atin ay nagnanais
na matagpuan ang sarili kung sino nga ba tayo at maramdaman
na, ... mahalagang bahagi tayo ng mundo. Hindi bilang isang tao na kumakain
lamang para mabuhay at nabubuhay para kumain lamang. Kundi ang madama natin ang
pagtanggap at pagpapahalaga ng ibang tao, hindi lamang makilala ang ating mga
kahusayan at mga pagtulong na nagagawa, bagkus kasama na rin ang ating mga
kakulangan at mga kapintasan.
Hindi mo mahahawakan ang dulo ng isang patpat nang hindi maisasama ang kabilang dulo nito. Hindi mo makukuha ang iyong asawa nang hindi kasama ang mga kaanak nito. Hindi mo makakain nang buo ang isda, nang hindi aalisin ang lamang-loob at kaliskis nito, o ang saging kung kasama pati ang balat. Anupat lahat ng bagay ay may puwing na kalapat. Walang bagay dito sa mundo na kapag kinuha mo ay perpekto at kumpleto, kahit papaano ay may kapintasan ito.

Bawat
isa sa atin ay may hangaring maglaan ng panahon at makapagtatag ng mabuting
relasyon. Sino ba sa atin ang ayaw na magkaroon ng matalik na kaibigan? Ng
mapagmahal na asawa? Ng masunuring anak? Ng mabait na kapatid, kaanak, at
kasamahan? At sinuman sa atin ay makakayang magawa ito, kahit na simple,
karampot, at kalabit lamang. Basta iparamdam na may atensiyon ka at pagpapahalaga sa iba.
Nariyan ang itaas ang kilay o kindat mo upang ipakita ang iyong pagsang-ayon o
pagpayag. Nariyan ang pagngiti na nagpapahiwatig ng iyong pagkagiliw at kagalakan.
Nariyan ang pagyakap mo na nakapagbibigay ng ginhawa. Nariyan ang paghaplos mo na
nagsasabing narito ako sa tabi mo, at hindi kita kailanman iiwan. Nariyan ang
pag-akbay bilang pagpapatunay na ipaglalaban mo siya. At marami pang iba... kung
masigasig kang talaga na ipakilala ang iyong sarili para sa mabuting relasyon ay
magagawa mo at madali lamang ito.
Kung sadyang gagawin mo.
jesseguevara
wagasmalaya.blogspot.com
No comments:
Post a Comment