Marami ang hindi nakakaalam; at narito ang masaklap na katotohanan -
lahat
tayo ay mamatay. Kahit na anuman ay wala tayong madadala.
At
ang lahat na aking minamahal
aking nakamtan
aking hinahangad
aking kailangan
aking kinaiinisan
aking
kamalian
aking kasawian
aking kabiguan
lahat ng mga ito ay matatapos na rin. Maglalaho
at babalik muli sa kanilang mga pinanggalingan. Ililipad ng hangin na tila hamog upang sumanib sa kanyang paroroonan.
Ang
nais ko lamang ay maging abo at hindi alikabok, nang sa gayon ay kahit man
lamang sa kalagayang ito ay makatulong ako bilang pataba sa aking kapaligiran.
Sapagkat
nauunawaan ko na wala akong maaangkin kahit na anuman, sa dahilang bawat bagay
na nakapaligid sa akin ay panandalian lamang, maging ang sarili kong buhay ay
mawawala din. Lahat ay pawang pahiram lamang. Ang tanging maiiwan lamang ay ang
tibok ng aking puso at ito ay magpapatuloy nang walang hanggan.
Bakit?
Sapagkat
AKO ay magsasaka, at patuloy ang aking pagtatanim. Kahit na hindi ako ang
umani, alam kong marami ang magagalak sa magiging mga bunga nito.
AKO
rin ay manggagawa, at gawain ko na ang maging solusyon. Mahilig akong lumikha
ng mga bagay na nagpapaganda sa kapaligiran, nakakabuti sa pamayanan, at
pumapayapa sa mga kalooban.
Isa
akong ispirito na nagkatawang tao. Isa akong manipestasyon ng Dakilang Ama para
gampanan ang kanyang Kaluwalhatian!
---------------------------------------------------0
Para makilalang ganap ang sarili; muling basahin ang pitak na may titulong "Ang Kabatiran ang Kapasiyahan" na ipinaskel ko noong ika 12 ng Marso, 2012. Matatagpuan ito sa Mga Nilalaman dito sa gawing kanan.
---------------------------------------------------0
Para makilalang ganap ang sarili; muling basahin ang pitak na may titulong "Ang Kabatiran ang Kapasiyahan" na ipinaskel ko noong ika 12 ng Marso, 2012. Matatagpuan ito sa Mga Nilalaman dito sa gawing kanan.
No comments:
Post a Comment