Kung walang isyu walang pagtatalo, kapag may napuna may sakuna.
Isang gabi, naanyayahan sila sa isang piging at kasalukuyang naghahapunan kasama ang mga kaibigan, nang simulang punahin si Mang Susing ng asawa; “Bakit ‘yan ang isnuot mo, hindi ba ang sabi ko ay mura lamang ‘yan! Dapat ang isinuot mo ay yaong mamahalin;” Bakit ka nakatayo d’yan, ikuha mo ako ng plato at damihan mo ng ulam!;” “Iwasan mo ang makuwentò na tila nakikiusap ka sa iba, huwag mong gawing kawawa ang sarili mo!;” Nalimutan ko ang isang bag ko, tatlo lamang ang nadala ko, umuwi ka nga at kunin mo ‘yong kulay berde, mamaya ka na kumain, pagbalik mo!” Hindi na nakapagpigil pa si Mang Susing at sumambulat ang kinukuyom nitong damdamin sa kadadalan ni Aling Karya sa harap ng mga kaibigan.
Lahat ay nagulat at bagamat nag-aalala ay nagtanong, “Bakit ano’ng nangyari at sumiklab ka?” Dinugtungan pa ito ng, “Bakit hindi ka na lamang nagtimpì, at sinirà mo ang iyong pangako na kailanman ay hindi mo papatulan ang iyong asawa?”
“Kasi, napatunayan ko ngayon, na ang dahilan kaya umaabusò ang aking asawa ay hindi ako palasagot at hinahayaan ko na siya ang manguna sa mga usapan at pati sa mga desisyon sa aming buhay. Kung ipagpapatuloy ko na manahimik para iwasan siya, napansin ko hindi siya masayá. Kasi, kaligayahan na niya ang pumuna at mamintas.”
“Bakit, may inseguridad ba sa pagitan ninyo?” Ang may pagtatakang tanong ng katabi.
“Wala ‘yan sa akin, siya ang may inseguridad sa kanyang sarili, at ang mga nakikita niya ay mga repleksiyon nito.” Ang paliwanag ni Mang Susing., “kailangan kasi, na may maiinis siya at ito ang nagpapaligaya sa kanya. Kailangan palaging may pagtatalo para siya manalo.’
‘Sa katunayan, ang ginawa ko kangina ay isang tanda ng pag-ibig. Ito ay isang uri ng pagmamahal ko sa kanya. Nagawa ko, ... na maintindihan niya ang nakakaaliw sa kanya, at ipinarating ko itong malakas upang patunayan na nadinig ko ang kanyang mga pakiusap!”
No comments:
Post a Comment