Friday, September 18, 2015

Kapag may Usok, may Sunog

Kapag mabaho at bulok na, iwasang buksan pa ito.
Walang bagay na makakapinsala sa iyo kung hindi mo ito papahintulutan. Nangyayari lamang ang mga bagay kung may partisipasyon ka. Hanggat hindi mo sinusupil at binabantayan ang iyong isipan sa mga pumapasok na mga bagay na walang katuturan, patunay lamang na pawang kaligaligan at kapighatian ang susuungin mo magpakailanman.
Ito ang batayan:
 Walang makakapansin sa iyong mga pagluha;
  Walang makakadarama ng iyong mga kalungkutan;
    Walang makakaranas ng iyong mga kasakitan;
  Ngunit, ito ang reyalidad, 
       kapag nagkamali ka, malaking isyu ito para sa iba.
Makakalimutan ang mga kabutihan mo, ngunit laging naaala-ala ang mga pagkakamali mo.
   Maraming bagay na kagulat-gulat ang mangyayari sa iyo kapag ipinasiya mong kontrolin kung anuman ang iyong ginagawa sa ngayon; lalo na kung ito ang laging laman ng iyong isipan, kaysa nagpupumilit ka na kontrolin ang mga bagay na wala ka namang magagawa pa. At higit pa dito kung wala ka namang kinalaman mabuti pa ang huwag kang makialam. Ang mahirap pa dito, hindi ka naman tinatanong, lagi kang sumasagot sa bawat isyu na tinatalakay.
   Dalawang bagay ang pangunahin mong pipiliin lamang; tanggapin ang mga kundisyon bilang mga kaganapan, o tanggapin ang mga ito bilang responsibilidad para mabago. Mabuti pa ang tumahimik, mag-isip, mag-replek, at ngumiti. Hindi ka ipapahamak kailanman ng mga katagang hindi mo binitiwan.
"Huwag maghimasok nang hindi magliyab ang usok."
-jesse n.guevara/wagasmalaya.blogspot.com/akotunaynapilipino.org

No comments:

Post a Comment