Ang matibay at matatag na relasyon ay nangangailangan ng pagmamahalan na walang pagmamaliw, laging bago at walang pagkupas: kahit na sa mga panahon ng pakikibaka na magustuhan ang isa't-isa; kahit na hindi mahinto ang mga pagtatalo, inisan, walang kibuan, at mga pagkagalit; kahit na may nakikialam at nais sirain ang pagsasama; kahit na may mga pagbabanta, ay naroon pa rin, bumagyo man o umaraw, magsalat at magutom, sa kaligayahan at kapighatian ay laging magkapiling. Hindi ito basta pagmamahal na lamang, ito ang tunay na Pag-ibig.
Sa bawat relasyon, mapabuti o mapasama man ito ay laging may alituntunin. Higit na mainam na may maling desisyon, kaysa walang desisyon. Sapagkat kapag buhay mo na ang nakataya, aba, magdesisyon ka naman!
Huwag magsalita;
aasahan
ka at aabusahin pa.
Huwag ipakita;
pupunahin
at pipintasan ka pa.
Huwag mangako;
ipinapako
ka nito para mawalan ng saysay.
...
makakabuti pang tumahimik ka na lamang at kumilos
at
higit sa lahat patunayan
mo!
-jesse n.guevara/wagasmalaya.blogspot.com/akotunaynapilipino.org
No comments:
Post a Comment